Chapter 3

4 0 0
                                    

Farrah POV
Di muna ko nagpunta ng ospital ngayon dahil gusto ko munang magpahinga, at iniisip ko din kung ano yung nakita ko sa panyo ni kenji na parang pamilyar sakin at ano nga ba ang nangyari bakit hindi ako makaalala

"anak?" napatigil ako sa pagiisip ng bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si mama, napansin ko agad ang namumula nyang mata

"anong nangyare ma?" tumabi sya sakin at niyakap ako ng mahigpit

"m-may iba na ang papa mo" nanigas ako sa kinauupuan ko, hinagod ko naman ang likod ni mama habang unti unti na ding tumutulo ang luha ko

bata pa lang ako, napansin ko na ang di pagkakasundo ng magulang ko, lagi silang nagaaway at minsan umaalis si papa ng bahay at matagal bago bumalik, naririnig ko ang pagiyak ni mama gabi gabi, parang tinutusok ang puso ko kapag naririnig ko ang iyak ni mama, pakiramdam ko wala akong magawa.

hinigpitan ko lang ang yakap ko kay mama hanggang makatulog sya, maingat ko syang hiniga sa kama, tumayo ako at pinahid ang luha tsaka lumabas ng kwarto

habang nagmamaneho ako patuloy pa ding tumutulo ang luha ko, alam kong makasarili tong ginagawa ko pero di ko talaga kaya, di ko matanggap na may iba na ang papa ko, ayokong makita ko ni mama na mahina dahil ako na lang pagkukunan nya ng lakas, mas gusto ko pang sinasarili ang problema ko kesa mang istorbo ng ibang tao, ayokong makita nila ang kahinaan ko dahil natatakot akong baka gamitin nila yun sakin.

tinigil ko ang kotse ko at bumaba, narinig ko agad ang paghampas ng alon, nakaramdam ako ng kaginhawaan, umupo ako sa buhangin at tumingin sa kawalan

"bakit mo nagawa samin to papa" napahikbi ako "di pa ba kami sapat ni mama sayo?" tinakpan ko ang mukha ko gamit ang palad ko tsaka umiyak ng umiyak, kelangan ko tong ilabas lahat para pag uwi ko matatag ulit ako

umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa naramdaman kong wala na kong mailabas na luha, tumayo ako at sumakay sa kotse ko tsaka nagmaneho pauwi

medyo mabigat pa rin ang loob ko pero kailangan kong kayanin para sa mama ko, tinigil ko muna ang kotse ko sa isang tabi at naghanap ng music sa cellphone ko tsaka sinuot ang earpods ko, napatawa ko sa napili kong kanta

" Little do you know
How I'm breaking while you fall asleep
Little do you know
I'm still haunted by the memories
Little do you know
I'm trying to pick myself up piece by piece
Little do you know
I need a little more time"

All this time, lagi kong sinasarili ang problema ko, ayokong nakikita nila ang kahinaan ko, lumaki ako ng ako lang mag isa kaya sanay akong laging sinasarili problema ko.

Underneath it all I'm held captive by the hole inside
I've been holding back
For the fear that you might change your mind
I'm ready to forgive you, but forgetting is a harder fight
Little do you know
I need a little more time"

Sorry papa di pa kita kayang patawarin sa ngayon, kailangan ko ng mahang panahon para mapatawad kita.

Tinigil ko ang kotse ko at pumasok ng bahay, nakita ko si mama na tulala sa kawalan

"mama" natauhan naman sya at tumingin sakin, tinabihan ko sya sa mahabang sofa

"anak pano na tayo?" nagsimula na namang tumulo ang luha nya, hinawakan ko ang kamay nya

"wag kang magalala ma pagbubutihan ko pa ang trabaho ko, kaya natin to" niyakap ko sya ng mahigpit, sumandal naman sya sa balikat ko

biglang tumunog ang cellphone ko, humiwalay muna ko kay mama

"trix! may raket tayo ngayon punta ka sa bar dali!" tiningnan ko muna si mama, ngumiti naman sya sakin at tumango

"sige punta na ko dyan" pinatay ko ang tawag, humarap muna ko kay mama

"sige na anak alam kong mabigat din ang loob mo ngayon, hihintayin kita" ngumiti ako at tumango, yumakap muna ko kay mama at sumakay ulit sa kotse ko

Pagdating ko sa bar dumiretso agad ako sa back stage, andun na ang iba kong kasama sa banda

"oh trix andito ka na pala dali magbihis ka na" dali dali naman akong nagpalit sa dressing room

nagsuot lang ako ng simple, ripped jeans, then white tshirt tapos leather jacket na pinaresan ng rubber shoes, lumabas na ko ng dressing room

napatingin ako sa stage, nakaset na ang mga instruments at ang mic sa gitna, andun na rin ang iba kong kasama, kaagad naman akong pumwesto sa gitna

"good evening everybody, this song is for your special someone" kaagad namang silang tumugtog

"Makin' my way downtown
Walkin' fast, faces pass and I'm homebound
Starin' blankly ahead, just making my way
Makin' a way through the crowd

And I need you
And I miss you
And now I wonder

If I could fall into the sky
Do you think time would pass me by?
'Cause you know I'd walk a thousand miles
If I could just see you tonight"

Pagkasabi ko nun ay biglang bumukas ang pinto ng bar, agad namang nagtama ang mga mata namin, napatingin ako sa babaeng kasama nya, parang kinurot ang puso ko sa nakita ko, teka bat ko nga ba to naramdaman di ko naman sya ganon kakilala? Napailing na lang ako at nagpatuloy sa pagkanta..

"thank you everyone, see you again tomorrow" umalis na ko sa stage, sinalubong ako ng manager ng bar

"that was a great performance trix, good job" ngumiti ako

"salamat mamita" hinawakan nya ang pisngi ko

"actually lahat naman ng performance mo maganda eh, you are really a great singer trix keep it up" tumango ako sa kanya at nagpaalam na sa rest room lang ako

papasok na ko ng may humawak sa braso ko, nakita ko ang kaninang tinitingnan ko

Kenji...

Cross Paths(on hold)Where stories live. Discover now