Chapter 12: Cottage

5 0 0
                                    


Pumasok si Tanya sa passenger seat inandar ko na ang sasakyan. Hindi ko alam kung saan ang punta namin pero sinabi niyang di daw kami magbabar ngayon kasi pupunta daw kami sa celebration ng kaibigan niyang kakagraduate lang rin.

Makikicelebrate na lang daw kami kesa naman sa magsayang pa kami ng pera.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko ulit sa kaniya na busy naman sa pagtipa sa cellphone niya.

"Magdrive ka na lang Siyana. Diyan pumasok ka diyan sa kalsadang iyan."

Sinunod ko naman ang sinabi niya at pumasok sa kalsadang itinuro niya. Village pala ito at mukhang maraming mayayaman ang nakatira dito.

"Diretso lang?"

"Alangan namang liliko ka, one way nga lang eh."

"Pasalamat ka nagdadrive ako." kung hindi hahampasin talaga kita. One way nga lang ang daan at kung liliko ka naman eh papasok ka na sa isa sa mga garahe ng bahay.

Ang gagara naman ng mga bahay sa village na 'to ang lalaki. Hanggat sa natanaw ko na ang malawak na space sa dulo ng daan.

Nalaglag ang panga ko sa ganda ng lugar. It was a seashore of course. Parang sa El Nido sa Palawan lang.

Bumaba ako at labis akong natuwa nang maramdaman ang tubig dagat sa mga paa ko. Naka-flats lang ako kaya naman wala dapat masyado problemahin.

"Gusto mo mag-swimming?" Tanya says while smiling widely at me.

"Oo naman. Pero di ako marunong lumangoy. Hanggang tampisaw lang talaga ako."

"Tuturuan kita kapag nagka-oras tayo." umahon ako sa dagat at lumapit sa rabi nita. "So diyan ka na lang ba? Akala ko ba gusto mo maglasing?"

"Oo naman gusto ko." sagot ko at bigla na naman pumasok sa isip ko iyong dahilan kung bakit gusto ko magpakalasing ngayong araw.

Gusto ko na munang makalimot.

"Kita mo iyon?" turo niya sa hall nang isang ressort na sa kasalukuyan ay maraming tao. Tumango ako. "Diyan tayo pupunta, para uminom ng libre."

"Kung gusto mo ng libre. Ako naman manlilibre e. Di naman yata ako welcome diyan di naman ako kilala nung kaibigan mo."

"Edi ipapakilala kita sa kaniya. Ang liit lang nung problema e, pinapalaki mo. Halika na nga."

Wala na akong nagawa kasi hinigit na ako ni Tanya papalapit sa open hall kung saan maraming tao. I'm wearing floral wavy dress tsaka flats, kaya naman umayon talaga ito sa event na dinaluhan namin.

Ang daming tao dito ngayon kaya nmaan masasabi kong mayaman iyong kaibigan ni Tanya kasi marami rin itong kaibigan. Bakahinga baman ako ng maluwaf kasi may kaniya kaniya silang mundo, may mga ilang tumitingin sa gawi ko pero di naman iyon nakaka-agala.

"Biancaaaaa!" binitawan ni Tanya ang braso ko at tumakbo papalapit sa babaeng nakatayo sa gitna.

Matangkad siya, maputi, makinis but to sum it all. She's beautiful at halatang mabait kasi palangiti. Mukhang walang magiging problema sa libreng inom a hahaha.

Nakatayo lang ako sa likod ni Tanya habang nakikinig sa usapan nila.

"Congratulations." sabi ni Tanya sabay beso sa pisngi ni Bianca. "Pasensiya na ha kasi wala akong dalang regalo, pero may dala naman akong kaibigan. Tutulong na lang kami sa pag-ubos netong handa mo."

Walang preno ang bunganga ni Tanya. Dinamay pa ako, pansin ko nga rin na aattend siya ng celebration na kahit wala man lang gift. Ang tapang pero nakakatuwa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 02, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Make it HappenWhere stories live. Discover now