7

14.9K 455 1
                                    


ANG DULO ng driveway ay dalawang palapag na bahay. Nag-iisa iyon sa gitna ng mapuno at napakalawak na solar. Kunot ang noong ipinarada ni Angeli ang kotse sa harap ng bahay at binuksan ang bintana sa bahagi niya.

Iniisip niya kung tama ang daan na tinalunton niya habang pinagmamasdan ang bahay na yari sa bato at kahoy. She wondered if she made the wrong turn and ended up in the wrong cottage. Subalit matapos niyang makita ang arrow na nagtuturo sa Blue Lady Cottage ay wala naman siyang nilikuang iba.

And yet it didn't look a cottage. Ang balkonahe sa ibaba ay yari sa malalaking kahoy ang mga barandilya. May tatlong hagdanang bato papanhik sa balkonahe. Ang sahig ay vigan tiles. May set ng wicker chairs sa tagilirang bahagi. At sa dulo ng balkonahe ay may mga paso ng halamang nakapatong sa stoned railings.

Ang mga halaman at mga bulaklak sa ibaba ay sadyang inayos sa paraang tila natural. At halos hindi makalusot sa malalaking sanga ng mga punong-kahoy ang sikat ng araw.

Kahit ang samyo ay pinagsamang amoy ng rain forest at hanging-dagat. By the time she walked towards the house, Angeli felt as if she had undergone an enchantment.Who ever owned the house must be very lucky. Maganda ang lugar at tahimik. It seemed to be a place where worries and concerns would melt away.Anyway, kung nagkamali man siya ng pinuntahan, makapagtatanong siya sa taong makakausap niya.

Bukas ang dalawang panel na pinto nang makapanhik siya sa balkonahe. Alanganing sumilip si Angeli nang mapunang may babaeng nakayuko sa mesa sa may sulok ng malaking sala.

She cleared her throat at banayad na kumatok sa dingding. "Magandang hapon..." sabi niya.Nag-angat ng mukha ang babae. She must be in her early fifties. Ngumiti ito nang makita siya. 

"Pasok... pasok," wika nito at tumayo at masiglang sinalubong siya.

Alanganing humakbang siya papasok. "H-hindi ba ito pribadong bahay? Ibig kong sabihin... dito ako itinuro ng pinagtanungan ko malibang nagkamali ako ng daan."

"Hindi ka nagkamali, hija. Ito ang Blue Lady Cottage. Halika, maupo ka." Itinuro ng babae ang silya sa harap ng mesa. Pagkuwa'y muli itong bumalik sa kinauupuan sa likod ng mesa.

"Ilang araw mo gustong tumigil dito, Miss...?" Inabot nito ang isang record book at ang ball pen.

"Angeli... Angeli Loreto," sabi niya, at nakitang inilista nito ang pangalan niya sa record book. "Walang tiyak kung hanggang kailan ang bakasyon ko."

Sinabi ng babae ang presyo ng silid, pagkatapos ay tumayo at inabot ang kamay sa kanya na alanganin niyang tinanggap. "Ako si Manang Tere. Ako at ang aking asawang si Elmo ang katiwala rito. Gusto mo bang makita ang mga silid sa itaas?"

Tumango siya at sumunod dito patungo sa malaking hagdanang narra. "Mas... mukhang guest house ito kaysa cottage," sabi niya, at saka idinagdag, "Hindi ho yata marami ang customer dito?"

"Hindi naman kasi panahon ng bakasyon ngayon. Kung nagkataong tag-init ay malamang na wala kang aabutang bakanteng silid. Karaniwan ay mga dating customer at kalimitan ay pami-pamilya."

My Love My Hero, Hanz (UNEDITED)(COMPLETED)Where stories live. Discover now