23

13.2K 420 2
                                    


"Mauna ka na sa banyo," sabi ni Hanz nang nasa harap na sila ng guest house. "Papalitan ko ang gulong ng kotse mo."

She smiled at him. "Thank you." Pagkasabi niyo'y pumanhik na sa kabahayan si Angeli at nagtuloy sa silid niya.

Nagmadali siyang mag-shower upang magamit din kaagad ni Hanz ang banyo at nang sabay na silang mananghaliang tatlo nina Gail.

Pagkabihis ay lumabas siya ng silid at tinungo ang kabilang bahagi ng bahay, sa silid ni Gail. Kumatok siya subalit walang sumasagot. Maingat niyang pinihit ang doorknob. Bukas iyon at sumilip siya sa loob ng silid subalit wala roon si Gail.

Out of curiosity ay pumasok siya. Mas malaki ang silid na iyon kaysa sa silid niya. Ganoon ma'y hindi niya gusto ang view sa may tapat ng bintana dahil hindi iyon nakatanaw sa dagat. 


Humakbang siya patungo sa bintana at akmang manunungaw nang matanawan sina Hanz at Luke sa ibaba.

Umatras siya nang bahagya palayo sa bintana. Kunot ang noong palihim niyang pinagmasdan ang dalawang masinsinang nag-uusap at sa mahinang tinig.

"Naghihinala na siya sa iyo. At nakita ka pa niya kagabi sa ibaba ng balkonahe. And dammit, man! You're getting older, hindi ka na nagiging maingat."

"I saw her first. Does the woman never sleeps? Paano ko magagawa ang ipinagagawa mo?"

Ang hindi niya mapigilang pagsinghap ang nagpangyari upang parehong tumingala ang dalawa.

Angeli felt the blood drain from her head. Fear and pain warred inside her. Hindi niya alam kung alin ang mas matimbang, ang takot o ang tila malaking kamay na dumadaklot sa dibdib niya. 


May ilang sandaling nanatili lang siyang nakatunghay sa dalawang lalaki sa ibaba bago nagtatakbo palabas ng silid ni Gail.

No! Please, don't let this be happening.

Kung ganoon ay tama ang hinala niya una pa man. Lamang, hindi niya inisip na maaaring magkasapakat ang dalawa.

The truth slammed into her with explosive force, blasting her romantic illusions to kindling.

Ikinandado niyang lahat ng pintuan sa silid niya. At sa nanginginig na katawan ay naupo sa kama. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Kung ano ang mararamdaman. How could she be such a fool falling for a murderer!


Napapitlag pa siya nang marinig ang tinig ni Hanz sa labas ng pinto.

"Open this door, Angeli. You've got it all wrong."

Nanlalaki ang mga matang nakatitig siya sa pintuan. This was his house. At hanggang saan siya mananatiling nakakulong doon? And where was Gail? Sina Manang Tere at Manong Elmo? Kasabwat ba ni Hanz ang dalawang matanda?

But why?

"Angeli, please, sweetheart..." Nakikiusap ang tinig ni Hanz at hindi mapigil ni Angeli ang mapahagulhol ng iyak. "Open this door. Nagkakamali ka kung iniisip mong sasaktan kita."

Subalit nanatili siyang nakatitig sa pinto. Tulad ng mga luha niya'y nag-uunahang mangibabaw ang shock, kirot ng damdamin at takot sa dibdib niya.

"Please don't jump into the wrong conclusions. Open this door."

Subalit nanatiling nakatitig sa pinto si Angeli bagaman pinanlalabo ng mga luha ang paningin. 

Narinig niya ang mga yabag nito papasok sa sariling silid sa kabila. Her eyes flew to the bathroom door, tiniyak kung nai-lock niya nang husto iyon.

Muli niyang narinig ang mga yabag nito palabas uli.

At ang kalansing ng mga susi!

Nakulong sa lalamunan niya ang sigaw. Tumakbo siya patungo sa French door nang bumukas ang pinto ng silid niya at pumasok si Hanz.

My Love My Hero, Hanz (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon