Taming 12

3.9K 176 0
                                    


Napanganga ako ng makita ko ang mga lolo at lola ko kasama ng mga kaibigan pa nilang dating hari at reyna na nakaupo sa nyebe habang gumagawa ng snowman.

“ What the! Walang hiya ka talaga Nate kahit matanda ka na isip bata ka parin! Bwesit ka! ” sigaw ni King Thunder.

Agad na binilatan siya ni King Nate. “ Mas isip bata ka! Sinong tanga ang mag swimming sa snow. ”

Umingos ang lolo ni Brianna. “ Bakit? Sa tubig lang ba pwedeng magswimming? Ikaw nga noong nakaraang araw nagswimming ka sa lupa eh. ”

“ Tangina. Mababaliw ako sa mga matatandang isip bata rito. ” bulong ni Blade.

“ Bwesit naman Grey. Huwag kang pumatong saakin. Di tayo talo! Si Stella patungan mo huwag ako. Kadiri ka! ” sinulyapan ko si Blade kung ano ang magiging reaksiyon niya.

Apo kasi siya ni King Nate.

Biglang yumanig ang paligid kaya naging alerto ako. Napatingin ako sakanila na parang wala lang ang nangyari.

“ Uy lumilindol. Baka may kamang lumilindol rin sa itaas. Haha! ”

“ Gago ka Thun. ” agad na binato nila si King Thunder ng snowballs kaya agad na napailing ako. Ang isip bata parin talaga nila. Parang kasing edad parin namin sila.

“ Hoy! Xian. Hanggang ngayon ba’t ang puti mo? Nag-gluta ka no? Share mo naman. ”

Sumimangot si King Xian. Lolo ni Blade sa ama. “ Eh kung hampasin kaya kita ng nyebe hampas lupa ka. ”

Suminangot si King Nate. “ Grabe ka naman. Porket earth ako tas nyebe ka. ”

Hinila na ako ni Blade dahil pakiramdam ko talaga mababaliw siya.

Agad na dinala niya ako sa kung saan hanggang sa pumasok kami sa isang kweba. Napanganga ako ng makakita ako ng isang paraiso sa loob nito.

“ Wow. How come there's a place like this in here? ” baling ko sakanya.

May falls at may mga halaman. Hindi mo tuloy maisip kung saan nangggaling ang tubig na umaagos. Pero ng maalala ko kung gaano siya makapangyarihan ay hindi na ako nagtaka pa.

“ Ginawa ko ito rito. And this is how it turned out. ”

Napatingin ako sa sahig nito. May blanket ng nakalatag at may mga pagkain na.

“ Is this ours? ” I asked at tumango naman siya at hinila ang kamay ko.

Umupo ako sa blanket habang katabi ko naman siya. Inabutan niya ang ng prutas kaya walang pag-aalinlangan na kinain ko ang mga iyon.

Bigla siyang napahikab kaya napatingin ako sakanya. “ You can make my lap as your pillow if you want. ” I offered habang busy sa pagkain.

Walang pag-aalinlangan na umunan siya sa hita ko at ipinikit ang mga mata.

Huminto ako sa pagkain para haplusin ang buhok niya.

“ Mad.. ” bigla akong nanibago dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko.

I hummed. “ Hmm? ”

“ Can I be your friend? ” mahina niyang tanong.

Napahinto ako sa sinabi niya. “ What? ”

He yawned. “ I wanna be your friend. ”
“ Hmm. ”

“ Is that a yes? ”

“ Yes. ”

Hindi na siya nagsalita kaya I assumed na natulog na siya.

WEEKS PASSED mula n'ong ayain ako ni Blade na lumabas at naging isa itong issue sa buong Blue. Marami ang lumabas na balita na kami na daw. Pati na rin yung paglabas ng larawan ko na suot ang T-shirt at ang jacket ni Blade.

Taming the PrincessWhere stories live. Discover now