Taming 24

3.1K 129 1
                                    


Samantha

***

Punong-puno ng tao ang buong gym. Maraming nagtitilian at isama mo pa si Princess Brianna na grabe kung makatili. Hinahanap ko si Mad ilang araw na pero kahit isa ay hindi ko nakita ang anino niya.

“ Kyaaah! Go babe! Go babe! ”

Kumunot ang noo ko sa narinig ko kay Princess Brianna. Agad na napatingin ako sa court at doon napagtanto na naka3 points shoot pala si Prince Blade.

Wala sa sariling napatingin ako kay Storm. Sobrang pawis na niya pero hindi parin nababawasan ang kakisigan at kagwapuhan niya.

Nagtagpo ang tingin namin dahilan para agad na iniba ko ang direksiyon ng tingin ko. Wala sa sariling tinampal ko ang mukha. Geez, Sam. Prinsepe iyan. Mayaman. Gwapo. Hindi ka bagay sakanya.

“ Kyaaah! Prince Storm! Prince Slate! Kayo ang dalawang lalaking mamahalin ko habang buhay! ”

Napatitig ako sa babaeng halos maputulan na ng ugat sa leeg dahil sa sobrang lakas ng boses. Grabe naman ang babaeng 'to.

“ Go Babe. I-shoot mo 'yan. Pramis hahalikan kita pagkatapos. ” dinig ko na namang sigaw ni Princess Brianna.

Napabaling ang tingin ko kay Prince Blade. Hawak na naman niya ang bola pero walang emosyon ang mukha niya.

“ Go Babe. Shoot it. I'll give you a kiss as reward. ” sigaw na naman pabalik ni Princess Brianna.

Mukhang narinig ata ni Prince Blade iyun dahil mabilis na ipinasa niya kay Slate ang bola at ito ang nagshoot sa ring.

Mahina akong napatawa. Looks like si Slate ang mahahalikan mo ngayon Princess Brianna.

“ Go Darkenia. Kick Blue’s assess off! ”

“ I'll kick your ass off first. ”

“ Kyaaaah! Omg! Omg! ”

Sunod-sunod na sigawan at tili ang narinig ko dahil sunod-sunod ring pagshoot ng bola sa ring. Prince Blade is a monster. Grabe.

Nang matapos ang laro at nanalo ang Blue. Nagsialisan na ang mga tao at akmang aalis na ako ng marinig ko ang boses ng Prinsesa. Napahinto ako.

“ Omg! Babe ang galing galing mo. I'm so proud of you. ”

Nilingon ko sila at nakitang akmang yayakapin ng prinsesa si Prince Blade ng makaiwas ito.

“ Fuck off Brianna. ” naiiritang saad ng prinsepe at linagpasan ito hanggang sa huminto ito sa harapan ko.

“ Where is she? ” malamig niyang tanong. Napayuko ako.

“ Kamahalan, hindi ko rin po mahanap ang prinsesa. ” mahina kong sagot.

“ Fuck. Where the hell is she?” mahina niyang tanong. Napayuko ako.

Nanlaki ang mata ko ng hinila niya ako palabas ng court. Narinig ko pa ang sigaw ng mga kasama niya.

“ Babe! ”

Taming the PrincessWhere stories live. Discover now