Chapter 31

348 14 4
                                    

Chapter 31:

“Hanggang ngayon hindi pa rin kayo nagpapansinan ni Jarred?” bulong sa akin ni Mau dahil kaharap lang namin si Jarred na kasama si Carl at ang kambal.

“Obviously” sabat ni Kyle.

“Ano bang ginawa mo Tin?”

“What? Anong ginawa ko? Wala naman ah? Bakit ako ang sinisisi mo?”

Pabulong lang kami kung magusap, mahirap na, magkarinigan pa tapos malaman pa niyang siya ang pinaguusapan namin diba? Mas nakakahiya iyon.

“Ikaw lang naman ang hindi niya pinapansin sa atin” sabat nanaman ni Kyle sa akin.

He should be the one saying sorry because of his actions. Tapos bakit ako ang sisisihin eh hindi ko naman alam kung ano ba talagang problema bakit siya nagagalit sa akin. Complicated Jarred.

“What are you talking about” tanong ni Carl “You keep on whispering”

“Wala” short na sabi ko.

After minutes, umalis na din sila Carl at ang kambal dahil may klase na din sila, samantalang andito pa rin si Jarred dahil nga kaklase namin siya sa Literature.

“Hey. Paano si Jarred?” said Camille

“Paano? Anong gusto mong sabihin ko. May sarili ‘yang paa at isip”

Napatingin naman sa akin si Jarred. Spell awkward, hanggang ngayon naasar pa rin ako sa mga inaasta niya. Ish!

“Sorry” seryosong sabi niya sa akin. Now what? Matapos niyang pagsalitaan ako ng ganun, sorry lang ang katapat? ABA! Hindi ako ganun kadaling magpatawad. Imbes na sagutin siya, iniwan ko lang siya doon at dirediretsong pumunta sa room namin.

Tahimik lang akong pumasok sa room ko, ganun din sina Mau. Alam nilang badtrip ako dahil kay Jarred at sa kung minamalas malas ka nga naman, katabi ko pala si Jarred sa sitting arrangement namin.

“Class we’ll have a debate” salita ng Instructor sa harapan. “About love, anything in random about love”

Naghiyawan naman ang mga kaklase ko. Hindi ako interested diyan sa love na iyan “Girls vs Boys. Pumili kayo ng leader ng bawat team”

Nagusap usap sila pero ako, wala akong ginagawa kundi ang magdoodle. Napansin kong may isang representative sa girls at boys at may ibinulong kay Ma’am. Baka sila na iyong magiging leader namin

“Okay okay okay. I see. Now, the representative for the boys is Mr. Stanford and for girls is Ms. Santos”

Parehas na nanlaki ang mga mata namin ni Jarred. “WHAT?!” sabay na sigaw namin.

“I don’t want. Iba na lang po Ma’am” sabat ko. Hindi ako magaling sa mga debate debate na ‘yan. Kaya wala akong future.

“No. Majority wins. Lahat ng classmates niyo kayo ang pinili. Now, we start. Ladies first”

Hinati ni Ma’am ang grupo. Sa left side ang mga girls habang sa right side naman ang mga boys. Nagumpisa naman ng magsalita ang mga kasama ko. I told you, hindi ako magaling sa mga debate debate na ganito.

“Bakit ba kayong mga lalaki, masyadong paasa. ‘yung tipong magpapakilig tapos ano, iiwan niyo sa ere” sabi ng isang babaeng kaklase ko. I agree, kaya tumango tango lang ako.

“Kung makapagsalita ka naman parang hindi kayo paasa ah? Sino ba ang nahihirapang manligaw? ‘Diba kaming mga lalaki naman ang nanliligaw, tapos at the end of the day, rejections lang matatanggap namin mula sa inyo. Bakit, mahirap bang sabihing, hindi kita type?

You Only Live Twice (Complete)Where stories live. Discover now