Kabanata 14 - Akala Mo

33 9 0
                                    

"Babe, are you still studying?"

Bigla akong napatingin kay Jerome na nasa harap ko. Ngayon ko lang narealize na I've been spacing out for so long. Nandito kami ngayon sa favorite cafe ko at pareho kaming nag-aaral for the upcoming Presscon.

"Is there a problem? May sakit ka ba?" Tanong nito sabay hawak sa aking noo. There I felt my heart skipped a beat. Mabilis akong umiling at nginitian ko nalang siya.

Ayan, tama 'yan Aurora. You should feel it towards Jerome.

That kiss never left my mind and I really feel bad. I know it's an accident but why does it affect my mind so much?

Binalik ko nalang ang aking tingin sa binabasang mga comments sa mga mali kong gawa last time. Mayroon kasi kaming trainor ni Jerome for writing, we are supposed to be meeting with him today but hindi ito nakapunta. Ngayong busy parin ako sa pageant ay ang tanging nagagawa ko to practice is by writing some articles then passing it to our trainor so that he can check it.

Nawala na naman ang atensiyon ko ng biglang tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Mommy.

"Mommy, why?" Nagtatakang tanong ko.

"Where are you? Umuwi ka na muna," kinakabahang sabi ni Mommy sa'kin. What's happening?

"I'm in a cafe with Rome. Is there anything wrong?" Napansin kong nagtataka na rin si Jerome.

"Just go home now if you're already finish," sambit ni mommy at pinatay na ang tawag.

"Is everything okay?" Biglang tanong ni Jerome habang ako'y patuloy na nagtataka.

"Wala naman daw problema sabi ni mommy...Gusto niya lang na umuwi na ko ngayon."

Agad naman kaming umuwi at pagpasok ko sa bahay ay agad-agad kong nakita si mommy na hindi mapakali.

"Mommy, may nangyari ba? Can you please tell me if something's wrong?" Dire-diretsong sabi ko kay mommy at bigla itong bumitaw sa yakap, kita ko ang pagkatakot sa mata niya.

"May napapansin ka ba nitong mga huling araw?" Napaisip ako sa tanong ni Mommy. "Sa tingin mo may sumusunod ba sa'yo?" Patuloy na tanong ni mommy at napasapo ako sa aking noo. Wala akong maalala. Hindi rin naman kasi ako observer masyado sa paligid ko.

"Bakit nga ba kita tinatanong, eh makakalimutin ka na tapos hindi ka pa tumitingin sa paligid mo," mom joked to uplift my mood.

Patuloy paring bumabagabag sa aking isip ang mga tanong niya.

"Anak, listen carefully," bumalik ang tingin ko kay mommy at tumango. "This past few days ay may napapansin akong sumusunod sa akin but I'm not yet sure of it. Now, what I want you to do is to always stick to Jeromeor Jon whenever your Kuya and I is not around."

"May kaaway ka po ba?" Tanong ko sakanya at mabilis itong umiling.

"I'm not yet sure kung ano ang gusto nitong sumusunod sa akin. But I want you to remain calm and just go back to your normal routine. Mag-iingat ka palagi. Wag mo rin itong ipapaalam kahit kanino and just keep safe."

"Yes, mommy. You should also keep safe. I can't afford to lose you," sabi ko sakanya at humilig ako sa kanyang balikat and there I felt tears falling from my eyes. I'm so scared.

Hinawakan ni mommy ang baba ko at iniharap ang mukha ko sakanya. "Just trust, Mommy. I'll never leave you," sabi nito at niyakap ako muli.

Takot ang tanging nararamdaman ko. Kung dati ay sariling emosyon ko lang ang kalaban ko, now it's real people. Kung kelan umaayos na ang lahat ay tsaka naman ito nangyayari. Life is really uncontrollable.

Unplanned Love - COMPLETEDWhere stories live. Discover now