Kabanata 41 - Nangangapa

21 1 0
                                    

Sa mga lumipas na araw ay naging abala kami ni Jon. Siya ay panay ang ensayo dahil papalapit na rin kasi ang kanilang games. Ako nama'y busy rin dahil ilalabas na namin ang summer edition clothes namin.

Hindi ko alam kung pang-ilang tao na rin ang nakausap ko, I was busy today checking everything dahil ayokong may pumalpak.

"Ma'am, remind ko lang po mamaya na po ang final checking ninyo po for the pictures na ilalabas at ipiprint natin as billboards and pictures on our different branches," paalala ni Cynthia.

Tumango lang ako at lumabas na rin ito pagkatapos. Naupo muna ako sa aking upuan at sandaling tumingin sa view sa labas, I still have a long day to go. Mabuti nalang at may kakaonting oras pa ako upang magpahinga.

I was about to close my eyes nang nakarinig na naman ako ng pagkatok, napaayos ako ng upo at napayapa ng makitang ang assistant ko lang ito ulit, she is now smiling and holding some flowers.

Dahan-dahan niyang inabot sa akin ang bulaklak. It was a bouquet of roses. I reached for the card at halos tumalon ang puso ko ng mabasa ko ang nakasulat dito.

Princess,

Hope you're having a beautiful day, just like you. I miss you.

Keep safe always.

Jon.

Hindi na mawala ang ngiti sa aking labi at tila nawala ang pagod ko. Kinuha ko agad ang cellphone ko upang maitext si Jon.

To: Jon

I have received the flowers. Thank you for making me smile.

Ganito madalas ang nagiging routine naming dalawa. Well, his effort is really overflowing lalo na't madalas ang pa-surprise effect nito.

Kahit madalas ay pagod na kaming dalawa sa kanya-kanyang gawain ay nagagawa parin naming mag-usap. So texting and video calls has been the ways we had to communicate on a daily basis.

Usually weekends na kami nagkikita so that the both of us can have some catching up time. Then kapag may extrang oras siya ay nasusundo niya ako sa trabaho at nakakapagdinner kami together, pero minsan lang yan mangyari.

I don't mind at all. Ayoko rin naman masyadong magdemand... and okay, nahihiya rin ako. I'm not just comfortable in the fact that hindi ko pa siya sinasagot pero marami na kaagad akong gustong mangyari, marami na kaagad akong hinihiling etc.

Itinabi ko na muna ang bulaklak at dumiretso na sa conference area. Ako nalang ang hinihintay pagdating ko kaya nakapagsimula na rin kami agad.

The different team heads started discussing and reporting kung gaano kami kaready sa ilalabas namin. I was just listening intently...

"Thank you guys, job well done, Miss A will soon send her picks," biglang sabi ni Brylle kaya't natigil ang pagtingin ko sa litratong nakaflash sa projector screen.

Nalipat ang atensiyon ko sa mga tao sa paligid ko. I came back to reality... I think the meeting is done. Nagtayuan na ang aking mga staff at nagpaalam sa akin. Kita ko ang pagtago nila ng pagkalito sa kanilang mga mukha.

I immediately tried to smile at them at pagkalabas nila ay doon ko lang naramdaman ang hiya. "Aish, what happened?" Bulong ko sa sarili ko.

At nasa harap ko ang sagot, Jon.

His pictures are flashed in the screen. It was the ones we took at Laiya. I think I was drawn too much from his pictures kaya nawala ako sa sarili... This is weird.

Napatakip nalang ako sa aking mukha ng marealize na sobrang tagal kong tinignan at tinitigan ang mga picture niya kanina. Wala akong magawa kundi umiling dahil hindi ako makapaniwala sa nagawa ko. So unprofessional.

Unplanned Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon