Chapter 1- Zenvo brother's

375 148 115
                                    

Chapter 1
.
.
.
.
.
.
Sockratiz Huxley POV....
.
.
.
Zenvo brother's

Sa mga hindi nakaka-alam, isa ako sa pinaka kilalang estudyante sa university namin. Hindi dahil sa mayaman ang pamilya ko o bully ako kundi dahil isa ako sa pinaka matalinong estudyanteng nag aaral sa paaralan na iyon. Hindi naman ako nerd pero malaki talaga ang epekto saakin ng mga grado ko satuwing nakikita ko iyon.

"Miss Fargaz, kung hindi ka tulala sa klase ko, naka tulog ka. Anong nangyayare sayo? Hindi ka naman ganyan dati?" Nahimasmasan ako saaking malalim na pag i-isip nang tawagin ako ni Mrs. Smith, yong physics teacher ko.

"I'm sorry Mrs. Smith, hindi po maganda ang pakiramdam ko," banayad kong sinabi. Agad siyang lumapit saaking kinauupuan at hinawakan ang aking noo gamit ang likod ng kanyang palad.

"I see, mataas ang lagnat mo. Miss Elvis, bakit hindi mo samahan ang iyong kaibigan na pumunta ng clinic," saad ni Mrs. Smith sabay tingin kay Elvis.

Tumayo si Elvis sa pag kakaupo at unti-unti akong inalalayan palabas ng room. Si Elvis ang nag iisa kong kaibigan dito sa university, actually ngayong first year lang kami nag kakilala at simula non naging mag kaibigan na kami.

Nang maka rating kami sa hagdan ng building namin ay agad akong binitawan ni Elvis at tiyaka ito ngumiti na parang aso.

"Sa susunod hindi na ako papayag na gamitin mo akong palusot para lang maka nood ka ng basketball!" Inis na sumbat ko sakanya.


"Yes! Effective pala yung pag lalagay ng bawang sa kili-kili noh," masayang saad niya at itinaas ang kamay ko dahilan para mahulog yung bawang na nilagay niya doon. Ilang oras ko kayang iniipit yan!

"Iss napaka baho! Kung hindi lang kita kaibigan, hindi ko gagawin ang lahat ng ito! Pati grades ko sina-sacrifice ko sayo!" Inis akong umirap sakanya dahilan para maslalo itong mapangiti.

"Oo na...thank you na Hux, gusto ko lang naman mapanood si Grunt eh," saad niya at bahagya akong tinapik.

"Oo na, sige na, tara na at baka matapos na yung laro," inis na sabi ko at nauna ng mag lakad.

Ayaw ko naman talagang manood ng basketball eh, sadyang mapilit lang talaga itong si Elvis dahil gusto niya daw makita yung crush niya. Bago pa man kami makarating sa gymnasium, nag paalam muna akong bumili ng iced coffee sa canteen, pinauna ko naman na siya para maka hanap siya ng pwesto namin.

I'm not really a big fan of sports, parang mas gusto ko pa nga na mahiga at makinig nalang ng music kesa sa manood at mag laro ng kung ano-anong bagay.

"Good afternoon Huxley!" Bungad sakin nung lalaking naka upo dun sa pinaka gilid ng canteen. Hayst! Siya nanaman?! Tumayo ito sa pagkakaupo at lumapit saakin.


"Not today Robert," saad ko while emphasizing his name.

"Stop calling me Robert! Joshua is my name!" He said emphasizing his name.

"Hindi ba't Robert Joshua Zenvo ang pangalan mo? The ugly younger brother of Grunt Phathon Zenvo, yung biggest crush ni Elvis!" Saad ko at nilakihan ko siya ng mata. He laughed a little and inilapit niya saakin ang kanyang mukha dahilan para mapa-atras ako ng kaunti. He's just so weird at ewan ko ba kung bakit ang daming babae ang nababaliw sakanilang mag kapatid. Well, not gonna lie, maganda ang lahi nila but, issss ewan ko naiinis lang ako dito kay Robert! Ang asar niya kasi at ang kulit!

My First and Last (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon