Chapter 6

70 4 0
                                    

Chapter 6


Hindi ako mapakali dito sa kama dahil sa narinig 'ko sa kuwento ni Lola Azon kagabi. Matapos niyang banggitin ang pangalang 'yon ay wala sa sariling umakyat ako sa kwarto. Hindi ako halos nakatulog kaya eto ako ngayon. Parang naka-glue akong papel sa kama kahit patuloy akong ginagambala ni Annie.






"Aray! Ano ba?" Inis 'kong tanong sakanya kaya pinamewangan niya ako. "Hoy! Isabel, baka nakakalimutan mong ngayon ka na pupunta sa Bulaklaking Hardin para magtrabaho," napabalikwas nalang ako ng bangon. Naku! Nakalimutan 'ko.






Akmang magsasalita na sana siya ng mabilis akong pumunta sa banyo upang maligo. Matapos 'kong maligo ay nagbihis na ako. Pagkababa ay nakita 'ko si Annie at Lola na nag-aalmusal. "Isabel apo. kain na," pag-aaya sakin ni Lola kaya mabilis 'ko naman siyang sinunod.





Tahimik kaming kumakakain ng may marinig kaming nagsalita na pamilyar na boses sakin mula sa labas. "Manang Azon! Tao po!" Pilit 'kong tinatandaan ang boses na 'yon pero hindi 'ko na makilala. May problema pa naman ako sa memorizing Choss!






Sinenyasan ni Lola si Annie na salubungin ang kung sinoman kaya agad siyang tumayo at pumunta sa may pinto. Hindi rin nagtagal ay bumalik na si Annie kasunod niya ay si... wut? Si kuya pogi na nakabunggo sakin kahapon!





Nanlalaki ang mata 'ko na napatayo. "Ikaw?!" Sabay pa naming sigaw habang nakaturo sa isa't-isa. Tiningnan 'ko ang dala niya at meron siyang dalang mga puting rosas. Natandaan 'ko yung binigay niya sakin kahapon. Nilagay 'ko yun sa vase na nakapatong sa ibabaw ng study-table 'ko na katabi lang naman ng kama. Napatingin naman siya sa hawak niya at lumakad papunta 'kay Lola tsaka nagmano. "Manang Azon eto na po pala ang ipinabili niyo saking mga white roses," aniya saka ibinigay 'yon 'kay Lola na ibinigay rin 'kay Annie.






Tumingin sakin si Lola na tipid ang ngiti. "Magkakilala pala kayo?" Tanong niya samin pero akmang sasalita na si Kuya Pogi nang unahan 'ko siya. "Nabangga niya kasi po ako Lola kahapon kaya ayun! Kaborgs ang bewang ng apo mo!" Sumbong 'ko 'kay Lola na tatawa-tawa sa mga pinagsasabi 'ko.






"Lola mo siya?" Sabat na tanong sakin ni Kuya Pogi kaya alanganin akong nagpilit ng ngiti tsaka tumango. "Ano nga palang pangalan mo?" Tanong niya sakin.






Napataas ang kanang kilay 'ko pero sinagot 'ko pa rin naman ang tanong niya. "Ako si Isabel," sagot 'ko. Hindi 'ko alam pero parang nakita 'ko sa ekspresyon ng kanyang mukha ang gulat pero napalitan 'yon ng lungkot. "..Mia Isabel Martinez," dagdag 'ko pa.





Mapait siyang ngumiti sakin. "Ako nga pala si Lucas Velasco," nandilim ang paningin 'ko ng marinig ang boses niya. Sumakit bigla ang ulo 'ko ng marinig nanaman ang boses ng babaeng 'yon.





'Lucas.. save your life,'

'Lucas.. save your life,'

'Lucas.. save your life,"





Bakit ngayon iba naman ang naririnig 'ko na pangalan na binabanggit niya. Nawala nalang ang kirot sa ulo 'ko ng hawakan ni Annie ang balikat 'ko. "Girl! Kinakausap ka ni Lucas!" Napatingin naman ako sa nakangiting si Lucas. "Isabel, nabanggit ni Manang Azon na magtratrabaho ka pala sa Bulaklaking Hardin kaya sinabi 'ko sakanya na sasamahan kita dahil isa ako sa mga nagtratrabaho 'ron," mahabang paliwanag niya habang ang dalawang kamay ay bahagyang nakatago sa kanyang likuran. Tipid naman akong tumango.

Her Revenge [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon