Chapter 12

38 1 0
                                    

Chapter 12





Hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan. Napansin ko rin ang naguguluhang titig sakin ni Annie pero hindi ko ito pinansin at nanatiling nakatungo sa aking mga kubyertos. Hindi ko pala napansin na nakabalik na si kuya at naihatid na ang mga order.





Napatingin akong muli 'kay Alejandro at nanlaki ang aking mga mata ng makitang naglalakad siya papalapit sakin kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Akmang hahawakan na niya sana ang balikat ko ng humarang sakanya si kuya.






"Mr. Del Reyas, alam ko namang mayaman ka ngunit hindi naman siguro pwede na basta-basta mo nalang hahawakan ang kapatid ko ng walang pahintulot?" Mahihimigan ng konting galit at pagbabanta ngunit mas namutawi ang tono ng sarkasmo sa pananalita ni kuya.



Narinig ko ang pagtikhim ni Alejandro. "Isabella--," hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil agaran akong tumayo at mariin ko siyang tiningnan ng diretso sa mata. Nakita ko sa ekspresyon niya ang pagkabigla ngunit napansin ko ang lungkot at poot doon kaya umiwas ako ng tingin.




"Hindi ako si Isabella Las Estas. Ako si Mia Isabel Martinez." Matapang kong muli siyang hinarap. Akmang hahawakan niya sana ako ng agad ko siyang sinenyasan na tigilan ang gagawin niya. Pansin ko ang mga mata ng mga taong nakatingin samin at ang mga bulong-bulungan.





"But the humor is spreading that yo--," humakbang ako papalapit sa kanya kaya agad siyang napaatras. Hindi ko namalayan ang aking sarili dahil may isang kademo-demonyong planong nabuo sa aking isipan.






I smiled devilish at tuluyan na akong nilamon ni Isabella. "Alejandro aking mahal." Hinawakan ko ang dalawa niyang magkabilang pisngi. Nag-alab ang mga mata ko sa galit. "..bakit hindi mo man lang ako naligtas ng araw na iyon gayong ikaw ang pinakauna kong inisip na liligtas sakin? Hindi mo ba naisip kung gano ako nadismaya na si Lucas ang nagbalak na iligtas ako gayong ikaw naman ang minahal ko? Na ikaw ang iniisip kong pro-protektahan ako?"






Nagulat lahat ng naroon dahil sa mga isinagot ko. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa gilid ng mga mata ni Alejandro. I scoffed in disbelief. "Hah! Sabagay gusto mo nga palang ipakasal ka 'kay Brinella at nung nawala siya ako na naman?! Two timer ka eh 'no? Paasa ka! Kinamumuhian kita!" Umupo na ako at hindi na siya pinansin. Akmang hahawakan niya muli ako ng padabog na tumayo si kuya.





"Please Mr. Del Reyas, not my sister." May pagbabanta sa boses ni kuya.




Nilingon ako ni Alejandro kaya napatungo ako. Parang hindi ko siya kayang harapin. Masyado akong naiilang sakanyang presensya.



"Magkikita tayong muli. Miss Martinez.."








I've finally met the man of Isabella..



---asky.

Her Revenge [ongoing]Where stories live. Discover now