𝐭𝐰𝐞𝐧𝐭𝐲 𝐧𝐢𝐧𝐞

118 2 0
                                    

narration
°hanji

pagka pasok ko palang sa bahay namin nakita ko agad ang dining table namin na puno ng pagkain.

andami naman masyado? ganon ba ka importante mga bisita namin ngayon?

"oh anak andito ka na pala, magbihis ka na at padating na sila."

hindi ko na sinagot si mama at dumiretso na ako sa kwarto ko para magbihis, tumunog ang cellphone ko at nakita ko naman na nag text na pala si celestine.

cele🧸
okay! pauwi na ako hehe dadaan lang ako sa grocery para may kakainin tayo mamaya pag punta mo

napangiti naman ako sa text niya, masarap panaman mag luto si celestine, nag type na ako at agad nireplyan si cele

jisung
okay po baby, mag text ako pag otw na ako

ni lock ko na ang phone ko at bumaba na sa kitchen, hindi pa ako nakakababa ng tuluyan pero rinig na rinig ko na ang mga boses ng magulang ko na may kinakausap.

"jisung!" napatigil ako sa paglalakad nung nakita ko si kira na nakaupo na sa tabi ng upuan ko sa dining table

"jisung ijo, lalo ka pumogi, halika at umupo ka na" nginitian ko nalang ang mommy ni kira at dumiretso na ng upo

so sila pala ang bisita namin

nagsimula na kaming kumain pero hindi naman ako nakikisali sa usapan nila dahil hindi naman ako interesado, napatigil nalang ako bigla ng mabanggit ang pangalan ko

"so future engineer pala si jisung, i would love to have an engineer in my family, maybe you should marry my daughter jisung" tuwang tuwa naman ang mommy ko sa narinig niya

"bakit hindi! i think kira will be an amazing wife to my jisung" nakatingin na silang lahat sakin, sasagot palang ako ng biglang mag salita si kira.

"i would love that tita and i'm sure gusto din ni jisung, right?" nilingon niya ako habang nag hihintay ng sagot.

"excuse me po, kailangan ko na po umalis dahil mag isa lang sa bahay ang girlfriend ko" tumayo na ako at dumiretso sa kwarto para kumuha ng gamit

kumuha ako ng bag at nag lagay ng mga damit at gamit, narinig ko ang pag bukas at sara ng pinto

"mama ayok-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil si kira ang nakatayo sa may pintuan ko.

"jisung, you're lying right? ayaw mo lang kaya sinasabi mong may girlfriend ka na diba?" diretso ang tingin niya sakin

"stop it kira, i'm already in a relationship, pigilan na natin ang mga magulang natin habang maaga pa" nagpatuloy ako sa pag lalagay ng gamit sa bag ko

"mahal kita jisung, matagal na at alam mo yun" napa buntong hininga ako sa sinabi niya, matagal ko naman ng alam yun pero mahal ko si celestine at nakababatang kapatid lang ang tingin ko sakanya.

"i'm sorry kira" yun lang ang tanging naisagot ko sakanya at tuluyan na akong bumaba at umalis ng bahay, rinig na rinig ko ang sigaw ni mama pero hindi na ako lumingon.

jisung
papunta na ako
sent 8:34 am

totga | han jisung ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon