2

239 12 0
                                    

Warning: typos ang grammars

Jackie POV

11 o'clock nakarating ako sa Starbucks na malapit sa ABS isa kasing dancer ang friend na nakikipagkita sakin at ang ganda nga ehh sa Showtime sya nagtratrabaho habang naghihintay ako nakita ko ang bagong pasok dito sa Starbucks ang kaibigan ko kaya tinaas ko ang kamay ko para makita nya ako at nakita nya naman ako lumapit na sya sa kinauupuan ko ngayon

"Bes kamusta?"bati nya sakin sabay beso, bumeso naman ako
"Ok naman ikaw"sagot ko at umupo
"Ok lang din naman"sabi nya pa
"Bes May raket kami gusto mo sumama?"tanong nya
"Gusto ko sana madc pero hindi pwede eh"ay muntik na hindi pa pala nya alam
"Ay sayang naman nakailang alok na ako sayo eh"nanghihinayang na sabi nya
"Ok lang yan oy wala ka bang rehearsal at nandito ka"tanong ko
"Wala na pero halika manood ka ng Showtime girl"sabi nya sabay hila sakin
"Hoy hindi na pwede yun"sabi ko
"Ako bahala"sabi nya habang hila-hila nya ako

Ng makarating kami sa loob ng ABS ay hila-hila nya parin ako at ngayon ay nasa gilid kami kung saan nakatayo ang mga dancer na maghihintay ng contestants kung tawag ng tanghalan hindi ko alam paano kami nakapasok dahil wala ako sa sarili ko kanina

Hindi pa nagsisimula ang show at pinaupo nya ako sa may upuuan ng dancers and i think kay madc ito, kahit nasa gilid ito ay kitang kita parin ang stage kung saan doon tatayo ang mga host at doon sasayaw ang grupo nila madc maya maya ay nagpaalam si madc na pupuwesto na daw sila kaya tumango lang ako tinitignan ko mabuti ang nagsasayaw sa harapan para akong naiinggit dahil nagagawa nila yan

Bata pa lang ako ay ang hilig ko ng sumayaw may plano nga ako noon na mag audition sa Showtime kaso hindi natuloy kasi ikinasal kami ni Vice mga bata pa lang kami ay magkakilala na ang mga magulang namin pero hindi kami close at isa pa ang dahilan din naman sa pagpakasal namin ay company namin sa abroad o sa Amerika

Hindi ko namalayan na tapos na pala ang prod at theme song na at katulad ng dati lumabas sila sa LED at sumalubong sakanila ang malakas na sigawan ng madlang people habang nakatingin ako kay Vice ay biglang nalang itong napatingin sa lugar ko kaya dali-dali akong lumingon sa likod ko para hindi ako makita ni Vice at kung minamalas ka nga naman medyo malapit ang kinalalagyan ko ang pwesto ni Vice kaya nasa gilid lang ang tingin ko oara hindi ako makita ni Vice nang matapos ang theme song nila ay tumingin na ako sa stage at nandoon na ang lahat ng host pero kulang sila ahhh si ate Mariel wala si ate Mariel bakit kaya ay bakit ba ako nangingeelam

Ngayon nasa stage na sila at

"What's up my super fabulous sexy macho madlang people"pagbating sigaw ni ate Anne
"Ay ay ayayyy"sabi ni Vice na nagpapatalon sa mga madlang people
"Eyyyyy"pagpahinto ni kuya Vhong
"Ay oo nga pala kung sino man ang nagbigay kay sisteret ng ulam na adobo maraming salamat napakasarap ng niluto mo"sabi ni ate Anne nakita ko naman ang mukha ni vice na mukhang hindi maipinta pero teka adobo dala ni vice

Wait what pinakain din nya kila ate Anne hala nakakahiya pero what ate anne said is napakasarap naman daw pero bahala na

"Ay wait lang mga anak may nagpadala ng bulaklak para kanino kaya ito?"sabi ni tyang Amy habang inaabot nya ang bulaklak na inabot ng staff
"Tyang may sulat"sabi ni kuya Jhong sabay kuha ng card pero bago yun ay ibinigay ni Jhong ang bulaklak kay ate Anne
"Hoy basahin mo muna bago mo ibigay kay Anne yan"paalala ni kuya Vhong
"Oo nga kuya Jhong"komento din ni Ryan
"Osige ito na babasahin na pero iisa lang ang expectation ko para ito kay Anne yan"sabi ni kuya Jhong at binasa na ang sulat
"Dear baby girl ay baby girl, hindi naman ako laging nandyan sa tabi mo ay palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita ito na babasahin ko na para kanino ito"pabitin na sabi ni kuya Jhong may pinatutog naman si MOD yung pang thrill na yung kaka excite tumingin naman si kuya Jhong kay ate Anne bago sabihin
"To Vice from the special someone"pagtapos ni kuya Jhong sa binasa nya
"Ay hindi pala kay Anne para kay brad pala"sabi ni kuya Vhong sabay kuha ng bulaklak nawalan naman ako ng gana kaya  hindi na lang ako tumingin sa reaksyon ni Vice nagtawanan naman ang mga tao dahil sa reaksyon ni ate Anne na nakasimangot

This the most painful part na ngingiti yung mahal mo pero hindi dahil sayo ang mga ngiting ito tama ang nabasa nyo mahal ko si Vice hindi ko alam pero mahal ko sya kahit lagi syang masungit laging sumusigaw sa harap ko

"Thanks baby boy"rinig kong sabi ni Vice kahit hindi ako tumingin sa kung saan sya alam kong nakangiti sya pero isa lang ang hiling ko na sana ay hindi nya dalhin ang bulaklak sa bahay kung saan kami nakatira bakit ngayon pa kung kailan ako nanood ng live isang buntong hininga ang kumawala galing saakin at pilit kong binabalik ang mood ko kanina ngumiti ako pero pilit lang nakatingin lang ako kay Vice na inaamoy ang bulaklak na hawak nya

Wala ako sa sarili ko yan ang napatunayan ko sa mga oras na ito dahil hindi ko namalayan na tapos na ang Showtime kaya nagsiuwian na ang mga tao sa loob ng studio at ako naman ay nakatulala lang wala sa sarili nabalik lang ako sa sarili ko ng biglang may kumalabit sakin and then i saw madc with her group

"Ahh Jack sila pala yung mga kasama ko dito sa pagsasayaw ito si charm"sabi ni madc habang nakaturo sa babaeng hanggang balikat ang buhok at may bangs
"At si melvie"turo ni madc sa babaeng ang buhok ay hanggang leeg lang at blonde hair

A/N: puro buhok ang napapansin ko sorry iba iba kasi sila ng type ng buhok kaya wala akong nagawa

"Hi Jackie" sabay nilang sabi na ikinagulat ko
"Kakagulat naman kayo"gulat na sabi ko
"Jack labas naman tayo ngayon hindi na kaya tayo nag-bonding"sabi pa ni madc sasagot na sana ako ng biglang nagring yung phone ko kaya sinagot ko muna ito pero hindi tinitignan ang caller

'Asan ka' parang galit na tanong sa kabilang linya tiningnan ko ang caller at nakalagay doon ang pangalan ni Vice
'Pauwi na ako' sabi ko at pinatay ako tawag

"Bes hindi muna ngayon sa susunod na lang promise"sabi ko habang nilalagay ko ang bag ko sa balikat ko
"Ha? Bakit"sabi ni melvie ba yon ahh oo sya
"May emergency lang promise bawi ako sa susunod"sagot ko at dali daling bumeso sa kanilang mga pinakilala ni madc sakin at bumeso ako sa pinakaguli kay madc

Dali-daling akong lumabas sa studio at lumabas sa ABS at pumara ng taxi tiningnan ko ang oras 5 o'clock na siguro nasa bahay na si Vice kaya dali daling pumara ng taxi nang may huminto na taxi sa harap ay dali-dali sumakay

A/N: ang daming dali-dali na word ohh

Ng makarating ako sa bahay ay nakita ko si vice na nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv

"Saan ka galing?"tanong nya pero nasa tv lang ang paningin nya
"Ahh gala"nagdalawang isip na sabi ko

Hindi na sya kumibo kaya nagpatuloy akong naglakad papuntang kusina para kakain at pagkatapos kong kumain ay aakyat na ako ng mahagip ng paningin ko ang bulaklak na bigay sakanya kaya dali-dali o tumakbo akong papunta sa kwarto ko at doon ko na inilabas ang mga luha na gustong kumawala sa mata ko kaninang nakita kong inamoy amoy at nakangiti si vice

Hindi ko na malayan na nakatulog na pala ako

To be continued

Vicejack- Just OnceWhere stories live. Discover now