22

53 4 1
                                    

Warning: typos and grammars

Vice POV

Isang linggo na ang lumipas simula nung huli kong nakita si Jackie at simula nun ay lagi na lang akong tulala at iniisip na anong nangyari saamin, una umalis sya, pangalawa akala nya na hindi ko sya hinahanap, pangatlo engaged sya kay Tom na dating hashtag, masakit isipin na May mahal syang iba

"BRAD"napabalik ako sa ulirat ng may sumigaw

"Ha? Anong nangyayari?"tarantang sabi ko

Napatingin ako sakanilan na tumatawa doon ko nakita sila Anne, Vhong at Jhong nandito pala itong mga ugok sa DR ko

"Sis anong nangyari sayo?"napatingin ako kay Anne may pag-alala ang mga mata nya at sya lang ang hindi tumawa

"Bakit ano bang nangyari saakin"tanong ko

"Umiiyak ka kasi ,ano bang iniisip mo?, Iniisip mo parin ba na hindi mo parin nahanap si Jackie?"Tanong ulit ni Anne hindi pa nila alam about sa nangyari sa Hongkong kaya wala silang alam

"Nakita ko sya"and with that napahinto sa pagtawa ang dalawang ugok na lalaki

"Nakita mo na sya brad?"Tanong ni Vhong tumango lang ako

"Paano?, Saan?"tanong naman ni Jhong

"Sa Hongkong, nung pumunta kami sa Hongkong"

"Ha? Bakit hindi mo sya kasama umuwi?"Anne

"Paano sya sasama saakin ang akala nya hindi ko sya hinahanap at lalong hindi sya sasama sakin lalo't engaged sya doon"maluha luha kong sabi

"Ano?! Engaged sya doon"sabay nilang sabi napayuko na lang ako

"Oy tama na iyak sis"pagpatahan ni Anne sakin

"Oo nga, may guest pa naman tayo ngayon na galing sa Hongkong"si Vhong

"5 minutes to opening"sigaw sa labas

"Sige na sis punta na lang kayo doon mamaya na lang ako pupunta pagkatapos ng opening"sabi ko kay Anne

"Sige sis una na kami"sabay hila ni Anne sa dalawang lalaki

Pagkalabas nila ay nagretouch ako wala ang mga bakla lumabas kaya ako na lang ang nagretouch sa sarili ko kumalat pa yung maskara ko

Pagkatapos ay pumunta na ako sa stage sakto patapos na ang theme song ng Showtime kaya naghintay na lang ako bago pumasok nasa lounge area lang ako nakaupo at tinignan ko ang guest mga dancers naka mask sila, anong style nila? pero nabagay naman sya sa sa costume nila

Simple akong pumasok pero sadyang mailap ang mga mata ng madlang people nasa hagdan palang ako ay sumigaw na sila kaya naagaw ko ang attention ng nasa stage lalo na ang guest namin kaya no choice

"Watsuppppp madlang people"pagbati ko at nagtuloy na akong maglakad tumabi ako kay Anne na malapit sa guest namin

"Oy sis pasimple ka pa dyan eh alam mo naman malikot ang mga mata ng madlang people natin ehh"Anne

"Oo nga ehh pero by the way hmm J Squad is the name of your group from Hongkong may filipino ba sainyo?"tanong ko may nagtaas namam ng kamay yung katabi ko at may 2 pa

"Pero na curious lang ako bakit kayo nakamask siguro hindi kayo mga kagandahan nohhh"biro ko tumawa naman ang madlang people

"J Squad who's is your leader"tanong ni Anne may tinuro naman sila kaya tinignan namin yung katabi ko pala sa left side ko kasi nasa right side ko si Anne

"So Pilipino pala ang leader nyo, hmm J Squad leader pwede ba makita namin ang mga mukha nyo"magalang na sabi ni Vhong tumango naman ito tumingin ako sa madlang people ng biglang may sumigaw na

"Vicejack" na ikinagulat ko tiningnan ko ang katabi ko doon ko lang nalaman na ang nag-iisang babae na minahal ko ay ang katabi ko ngayon

"Oyy Jackie long time no see"Vhong pero nakatulala lang ako kay Jackie

"Sis wag dito tumulo na luha mo walk ka na dali" bulong sakin ni Anne

"Sorry madlang people, sorry direk"sabi ko sabay takbo para hindi makita ng maraming tao na lumuluha na ako

Bumalik ako sa DR ko at doon nakita ko ang mga bakla na nanonood sa ganap sa stage

"Mga beks pwede lumabas muna kayo, gusto kong mapagisa"lumabas naman sila at pinatay ang TV

Umiyak lang ako ng umiyak, inisip ko na lang na umuwi at doon ituloy ang pagda-drama ko i think maiintindihan naman ni direk yun, tumayo na ako ang mga beks na lang ang magdadala ng gamit

Lalabas na sana ako ng nasa pinto ako ay nakita ko si Jackie kaya nagiba ang plano ko

Jackie POV

Kakatapos lang ng guesting ko sa Showtime pumunta ako sa DR ng Showtime dancer dahil namiss ko na din sila madc kumatok ako at ang nagbukas ay si madc si kaya bigla ko syang niyakap sya medyo nabigla naman sya dahil hindi sya nakagalaw

"Bes" doon lang sya natauhan

"BES BA'T HINDI KA NAGSABI NA UUWI KA?"nabigla naman ako ng bigla syang sumigaw

"Tsk, pagsinabi ko hindi na yun surprise girl"nakataas na kilay na sabi ko

"Ay tara pasok ka muna"alok nya kaya pumasok na kami pero hindi namin alam na nasaamin na pala ang attention nung ibang dancers

"Oh guys may nagbabalik"sabi pa ni madc

"Jackie"tawag nila kaya dali-dali akong tumakbo papunta sakanila at niyakap namiss ko din sila

To be continued

2 update for today 😁

Vicejack- Just OnceWhere stories live. Discover now