Prologue

41 3 0
                                    

"Stars and Moon are meant for each other. Stars always wants to be with moon and that's the reason why stars is not visible when the day comes. They say stars followed the moon everyday to protect him from the sun."

"Bad ba ang Sun nanay?"

...

Namumugtong na mga mata,
Nanginginig na kalamnan,
Pagpatak ng mga pawis,
Mabilis na pag tibok ng puso,

Isa, dalawa, tatlo...

Kaya ko 'to.

Habang papalapit ako sa pupuntahan ko,

Parang hindi ko na yata maramdaman ang mga paa ko.

Pakiramdam ko, para akong nag lalakad sa kumunoy, unti-unti akong nilalamon ng lupa.

Pakiramdam ko, hindi ko na alam kung nasaan ako,

pero ang alam ko, papunta ako sayo,

kaya alam ko,

alam kong kakayanin ko 'to.

"Condolence po tita"

ramdam ko ang mga paghikbi ni tita nung mga oras na yon,

sinubukan ko siyang yakapin, pero ramdam ko din ang pag iwas niya sakin.

Sinubukan ko ring tulungan si kuya na mamigay ng mga pagkain sa mga bisita,

"Ayos lang, kaya ko na 'to" sambit niya.

Pinili kong umupo sa isang tabi, doon banda kung saan alam kong malapit ako sakanya.

Nabaling ang atensyon ko sa mga bisitang nagsidatingan,

Ang ilan ay may dala dala pa ngang biscuit at maiinom.

Sila Jia ata ang isang 'yon, kaibigan niya mula nung elementary.

Sila Weyn naman ang mga 'yon, tropa niya noong highschool siya.

At yung isa, sila Leo, kaklase niya noong nasa senior high pa siya.

Mukhang hindi pa dumadating mga ka blockmates namin,

Pati na rin yung mga kasamahan niya sa varsity.

"Condolence Lyra"

Tumabi siya sa tabi ko,

Hays!

Sa tagal kong pinigilang lumuha ang mga mata ko, sa isang salita lang na yon,

bumigay na agad ako.

Nakakainis naman 'tong bagyong 'to.

Sa bawat pagiyak ng langit, siya ring pagpatak ng mga luha ko.

"Subukan mong bilangin ang bawat pagpatak ng mga luha mo, para mabaling ang atensyon mo." pag alala ko sa mga sinambit niya sakin noong una kaming nagkita.

Hanggang ngayon ginagawa ko pa rin 'to, hindi ko lang talaga inakala na sa panahon ngayon,

ikaw naman ang magiging dahilan ng pagluha ko.

"Kakayanin ko ba to?" pagtatanong ko.

"Alam kong kaya mo yan, strong ka kaya"

Tumayo ako para makita ko siya,

Pusturang pustura ka yata,

Saan mo ba balak pumunta?

Oo sinabi kong mukha kang mabait pag tulog,

pero bakit naman ganito, habang buhay ka ng natulog.

Ang daya daya mo naman, Kale.

Akala ko ba magpapatayo pa tayo ng sarili nating firm,

Akala ko ba bubuoin pa natin mga pangarap natin ng magkasama.

Akala ko ba papatunayan pa natin sarili natin sakanila.

Hanggang akala ka lang pala,

Wala kang balls Kale!

Iniwanan mo ko agad.

Niyakap ako ni Pat, na siyang nagpaluha sakin ng husto,

"Kasalanan ko ba 'to, Pat?"

Kasalanan ko ba?

The CalendarWhere stories live. Discover now