Chapter 5

12 4 0
                                    

Nakatulala,
Masaya, abot tenga ang ngiti.

Chineck ko ang cellphone ko para tingnan kung may nag message ba sakin,

"I have a news guys"
"About sa lalakeng nasa rooftop"

Pshh! I know ghost stories nanaman 'yan or whatsoever,

minute ko muna ang groupchat namin nila Haya.

Lumabas ako ng kwarto ko para mag umagahan,

Umupo ako sa harap ng kambal,

Kukunin ko na sana ang huling hotdog na nakahain sa lamesa ng biglang...

Hinampas ni papa ang kamay ko,

"Tigilan mo 'yan kay Stella 'yan" ani niya,

agad namang kumunot ang noo ko,

"Ha!? Nasaan ang hotdog ko?" pagrereklamo ko,

"Anong hotdog!? Bawal kang kumain ng hotdog kalahating itlog lang ang sayo" sagot naman ni papa,

Kumunot ulit ang noo ko sa sinabi ni papa.

"Mama oh!" hindi ako pinansin ni mama noong mga oras na 'yon,

"Hating gabi ka na kung umuwi! Hindi mo pa sinasagot ang mga tawag ko kaya ayan sige manigas ka jan" pagsesermon sakin ni papa habang humihigop ng mainit niyang kape.

Seryoso ba?

Sa ganitong paraan nila ako pagagalitan?

Inubos ko agad ang pag kain na meron ako at agad rin akong pumasok sa kwarto ko.

Nakakainis!
Nakakainis talaga!

Chineck ko ang cellphone ko,

At dahil wala namang message ay tumungo ako sa instagram ko,

Wow! May bagong plate na inupload nanaman si Yexy.

Sobrang naaamaze ako sakaniya, imagine nasa college pa lang kami pero kung mag sketch siya parang legit na architect na siya.

Kinuha ko ang sketch book and other materials na kakailanganin ko,

I tried to draw the guide lines first, dito kasi natin ibabased lahat.

Sinimulan ko na ang pag ssketch ko, at hanggang sa matapos ako,

And Violaaa!

Arg! Ang panget,

Pinunit ko ang gawa ko and sinubukan ulit,

Idradraw ang guide lines, and then sketch.

Holy Crap! Ang panget,

Paulit ulit kong sinubukan at paulit ulit din naman akong di nasasatisfied sa gawa ko,

After 20 trials, tinigilan ko na rin ang pag ssketch.

Paano kaya nagagawa ni Yexy makabuo ng ganong kagandang plate,

Sinubukan kong mag search sa google,

"How to sketch like an architect"

1. Feel the essence of your surroundings.

Makakatulong daw ito na makapag concentrate ka sa ginagawa mo. Feel the positive vibes ika nga nila.

2. Position your hand properly.

Sa paraan daw na ito ma-babalance mo yung movements ng hands mo. Mas less na movement, mas straight ang lines na magagawa mo.

3. Diversify your lines.

Dito naman mas mabibigyan natin ng volume ang sketch natin kung marunong tayong mag shift ng gawa natin for thick to thin lines and light to dark shades.

4. Backgrounds.

Sinasabi naman dito na importante ang backgrounds upang magkaroon ng buhay ang iyong gawa.

5. Colors.

Para sa huling tips, sinasabi rito na importante ang kulay para mas mavisualize mo ang plate na iyong gagawin. Marapat din na alam mo kung anong materials ang mas angkop sa iyong kakayahan, ako kasi watercolor.

Agad kong kinuha ang mga kagamitan na meron ako,

"Ma, Pa, pupunta lang ako sa park" pagpapaalam ko,

"Huwag mag papagabi anak" pagpayag naman ni mama.

Nagmadali akong umalis na bahay ng napansin kong mukhang uulan,

Masayang mag sketch sa park ng umuulan, may silong naman.

Naghanap na rin ako ng payong para makasigurado.

Nang makarating ako sa park ay inihanda ko ang lahat ng kagamitan na meron ako,

Step 1. Feel the essence of your surroundings.

Payapa.
Tahimik.

Nagsimula akong magfocus sa aking ginagawa, practice pa lang naman ayos lang kung magkamali.

Habang nag ssketch ako, napansin kong may batang lumapit sa akin.

"Gusto ko rin mag drawing" sambit niya,

Ngumiti ako sa kaniya, at sabay abot sakaniya ng papel at lapis,

"Saan ka ba nakatira? Sinong kasama mo?" pagtatanong ko,

Ayoko namang mareport ako o biglang may humuli sakin at pagbintangang kidnapper.

"Si tito." sagot niya habang abalang nagdradrawing ng babaeng nakaupo,

"Sino ba 'yang dinadrawing mo?" Pagtatanong ko,

"Ikaw po ate," nakangiti niyang sambit sa akin,

"Lyra!" napalingon ako ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko,

Ha!?

Si Gio!?

Anong ginagawa niya dito!?

"Gi-" nagulat ako ng biglang nilapitan niya ang batang kasama ko,

"Lyra ano ka ba naman" bakas sa mukha niya ang pag-aalala,

"Ah-eh Gio pamangkin mo?" Pagtatanong ko,

"Ah Oo,"
"Ay Lyra meets Lyra. Lyra nga rin pala ang pangalan niya. Actually I was really amazed nung unang beses ko marinig ang name mo" nakangiti niyang sambit,

Kaya pala, hindi pala ako yung tinawag niya.

Assuming.

Nagpaalam na rin si Gio ng mga oras na 'yon,

Binalikan ko ang pag ssketch ko, well ganun talaga dapat lahat ng sinisimulan tinatapos.

Step ano na nga ba ulit ako?

Step 4. Backgrounds.

Patapos na rin pala ako, tutal bahay ang ginagawa ko.

Gusto ko nasa mountain, mala-rest house ang datingan,

"Yan kala mo ah magiging totoo ka din someday." sambit ko na tila ba gilgil na gilgil na mapasakin ang ginagawa kong plate,

Napansin kong  may umupo sa tabi ko,

Siguro si Gio nanaman 'to,

"Akala ko ba aalis ka-" napahinto ako ng paglingon ko ay hindi pala si Gio ang katabi ko

Kundi si Kale,

"Bakit ako aalis kung kararating ko lang?" nakangiti niyang sambit,

Ha?

Totoo ba 'to?

O nanaginip lang ako?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The CalendarWhere stories live. Discover now