Chapter 3

29 4 0
                                    

Nakatulala
Mulat ang mata ngunit tulog ang isipan,

Inaantok pa ko.

Tiningnan ko ang orasan upang makasigurado,

Kung may panahon pa ba ako,

Panahon para matulog pa muli.

Time check. 9:30 am.

Holy S...

Nagsimula na kong magmadali magbihis,

Hindi na ko naligo kasi nakakasigurado akong patay ako sa prof ko sa History class.

"Ma aalis na ko." Nagmamadaling pagpapaalam ko,

"Anak, biyernes ngayon"

At nagsimula ng tumigil ang mundo ko,

Biyernes?

Biyernes ngayon?

Tiningnan ko ang cellphone ko para makasigurado,

"Guys do yo have any plans?"
"Clubbing"
"Who's free?"

Biyernes nga ngayon.

"Kumain ka na muna anak. Nakalimutan mo nanamang wala kang pasok tuwing biyernes, ano?" sambit ni mama habang naghahanda ng makakain ko.

"Mukhang hindi ka pa naliligo. May balak ka talagang pumasok ng ganyan?" sabi ni papa habang taimtim na binabasa ang bawat pahina sa dyaryo.

"Ewww"
"Yuckk"

pagiinarte ng kambal kong kapatid.

Hindi niyo alam yung pain okay?

Yung mapahiya ka harap ng lahat lalo na't nandun pa si Kale.

I feel so dumb everytime na napapahiya ako sa klase ni Ma'am Poblente.

Tinapos ko na ang pagkain ng umagahan,

Bumalik ako sa kwarto,
Hinubad ang uniporme,
Sabay hablot ng kumot na nahulog pa ng dahil sa aking pagmamadali.

RESTT DAYYY!

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng biglang-

"Good Morning Auntie, where's Lyra po?"

Oh Ghad!

Is that Haya? Maybe kasama niya si Pat.

Bumalik sa isipan ko yung nabasa ko kanina,

"Guys do yo have any plans?"
"Clubbing"
"Who's free?"

Nooo! I don't want to go

Nagmadali akong maghanap ng matataguan,

Sinubukan ko sa ilalim ng kama,

Ang daming kahon!

Sinubukan ko sa cabinet,

Tambak ang damitan!

Narinig kong pabukas na ang pinto, wala na akong maisip na ibang matataguan kung kaya,

"Hachingg!"
"Ehem Ehem!"

"Are you sick?" pag tatanong ni Pat,
"Oh no! Virus!"  sabi ni Haya habang iniisprayan ang buong kwarto ko ng kung ano.

"Ah eh- oo. Ehem ehem!" pagkukunware ko,

Napansin kong mukhang nahahalata ako ni Pat,

Kailangan ko ng gawin ang plan B!

"Haya please do me a favor. Paki kuha naman nung thermometer sa kit."

The CalendarWhere stories live. Discover now