I

12 3 0
                                    

".. Calixxxxx! Gising kana jan tanghali na! May pasok kapa anong oras na! .."

Nagising ako sa sigaw ni Mama. Anobayan, parang feeling ko bitin tulog ko. Anong oras na kasi ako natapos kakagawa ng school papers ko kaninang madaling araw. Nakakainis kasi ung Prof namin sa Minor, feeling major! Ishhhhh.


. " opo ma, babangon na".. mahina pero sapat na para marinig ni Mama

Pagkaraan ng ilang minuto bumangon nako. Marami pa kasi akong gagawin tsaka mahaba haba pa ang byahe papuntang School.

Tiniklop ko na ang higaan ko, pinatay ang aircon at kinuha ang tuwalya ko para makapag toothbrush at hilamos.

". Nag babagang balita, isang dalagita natagpuan patay sa isang bakanteng lote pinaniniwalaan na ito ay ginahasa muna bago pinatay ng mga suspek na wala pang pagkaka kilanlan.." hay nako, aga aga ang pangit ng balita. Tssss.


" kaya ikaw Calix,umuwi ka ng maag pag wala ng gagawin ha? Mamaya magatya ka dito sa dalaga. Wala na talagang safe na lugar sa ngayon. Hay nakuuuuu." Utal ng Mama ko.

Pagkatapos kong mag sipilyo at mag hilamos nagtimpla na ako ng kape. I really do love coffee :)) It calms my inner soul. Kahit yata sampung beses ako magkape sa isang araw okay lang e, basta wag mapansin ni mama kasi tiyak magagalit nanaman un. Hshshshshshs

Dinala ko ang kape ko sa aming hardin. Ako kasi ang nakatalagang mag dilig sa mga halaman namin. May mga gulay gaya ng talong, kamatis at sili meron din kaming mga guyabano, atis at kalamansi. My Mama loves to plant, bukod sa healthy na mas makakatipid kapa ika nga. Habang nagkakape ako, hawak ng kaliwang kamay ko ang hose na siyang nag didilig sa mga halaman upang mas lalo pa itong yumabong.




"Tok tok tok tok! Calixxxx! Yohoooo, Calixxxxx!!" Sigaw ng isang babae sa may gate namin.

Si Ate Espe na siguro un. Kaya naglakad ako papalapit ng gate at inasa eto.

"Anggapoy yelo mi atse! (Wala kaming yelo ate) sabay hagikgik. Hahahaha

" buninis mo Calix, buksan mo na tong gate" hahaha aga aga napagtripan nanaman tong kasama namin. Hihihihi

Binuksan ko ang gate namin at tama nga ako ng akala si Ate Espe nga kasama namin sa bahay. Hindi siya stay in kasi may kinakasama na siya kaya ayun umuuwi siya twing hapon.

." Ate paki tuloy nalang po 'to ta magluluto nako. Maaga kasi klase ko ngayon.." naalala ko kasi na alas-otso ang klase ko ngayon. malamang sa malamang ma tra-traffic pa ako.

"Sige Calix, iwan mo nalang jan mag kakape lang ako"..

**

Pagkatapos nun ay nagluto na ako ng itlog. Ewan ko ba kung ako lang or what pero kaya kong magulam 3x a day ng itlog. Kahit buong linggo pa Hshsshshshhs. Ewan ko ba, bukod sa madaling lutuin masarap naman kasi tapos gawa ka ng sawsawan na toyo na may onting kalamansi at sili. Yummmmmmm! Solve na solve.

Nagmadali na akong maligo ng makita kong 6:20 na. Hindi naman ako pala ayos na babae e. Polbo at liptint lang ayos na kaya di ako nahihirapang mag ayos.

Sinara ko na ang bag kong Sagada na galing pa sa Tita ko sa Kalinga. Ito ang favorite ko na bag kasi bukod sa kakaiba, matiba ito kasi handwoven ito ng mga taga Sagada. Sinuot ang sapatos at lumabas na ako sa kwarto.

. " o baon mo Calixxx, maaga kang umuwi ha? Narinig mo naman siguro ung balita malapit lang iyon dito kaya mag ingat ka at wag ng magpapagabi. "

" opo ma, sige po alis na ako "*sabay halik sa pisngi ng mama ko. Siya lang talaga kakampi ko sa mundong eto. Hay nako, swerte ko talaga sayo Mama Ali :)))

Nung nasa gate na ako tumakbo ako pabalik ng bahay. Sheyttttttt nakalimutan ko nanaman ubg ID ko. Ewan ko ba, kabata bata ko napaka makalilimutin ko. Jusmeeee!!! Muntik nanaman un, sayang ung 3 na discount sa jeep. Hehehehe.

/////

THIRD PERSON'S POV

Si Calixx ay isang napaka bait na dalaga. Marami ang nagsasabi na mukha daw itong mataray ngunit pag naka close mo ay talaga namang sasakit tenga mo sa kadaldalan niya. Kumukuha siya ng kursong Secondary Education sa Pangasinan Merchant Marine Academy. Nakakuha din siya ng scholarship sa Munisipyo ng Dagupan dahilan upang makabawas sa gastusin sa paaralan. Self support siya :))) ayaw niya na kasing pahiraoan ang kanyang mama kaya naisipan niyang magbusiness ng ukay ukay sa online at kumuha ng part time job sa RGL kung saan dati itong nag tra trabaho.

Wala ka ng masasabi sa batang ito. Pero ang di alam ng lahat ilang beses siyang sinubukan patumbahin ng panahon. Napaka raming problema ang napagdaanan neto ngunit nanatili ang kanyang pananalig sa Diyos at sa mga plano neto para sakanya kaya hanggang ngayon ay patuloy itong lumalaban para sa mga pangarap niya at sa pangako niya sa kanyang ina na bibigyan niya ito ng dimploma sa kolehiyo.

LIFELESS Where stories live. Discover now