Chapter 11

201 7 0
                                    

Miss

"Nasaan na ang mga magulang niyo?" Tanong ni Sir Vivando, lunes ng hapon. Nakatayo siya sa harap ng kaniyang table habang iritadong binubungangaan kami ni Roi.

Daig pa ni Sir ang babaeng guro kung rumatrat.

"Nag out of town po si Mama. Si Papa naman ay may trabaho." Pagdadahilan ko.

Tumaas ang kilay ni Sir. Umismid at pumameywang pa. Lalo tuloy akong nagdududa kung straight siya o hindi? Medyo bata pa si Sir kumpara kay Ma'am Disuyo pero pareho silang mataba.

"Talaga ba, Ms. Leopando? Baka gusto mong ako na mismo ang tumawag kay Mrs. Cristina upang malaman niya ang mga pinaggagawa mo."

Di mo po yun makocontact kasi ibang number ang nilagay ko sa person to contact incase of emergency.

"Uhmmm..." Natutop ko ang aking labi dahil wala akong makuhang salita upang mailaban sa sinabi niya.

"Sir." Pareho kaming napatingin ni Sir Vivando kay Roi. "Hindi rin po makakapunta sina Mama. Kung may sasabihin po daw kayo sa kanila, sa akin niyo na lang sabihin at ako na ang magsasabi nito sa kanila."

Bahagya akong natawa sa pangangatwiran ni Roi. Abnoy talaga to!

"Pinipilosopo mo ba ako, Mr. Silva?!" Medyo tumaas na ang boses ni Sir at mariin na titig ang iginawad kay Roi na tila hindi manlang nasindak kahit konti.

"Palagay niyo po Sir, pinipilosopo ko kayo?" Nakangisi pa si Roi nang sumagot pabalik kay Sir.

"Bastos na bata! I'm your teacher."

"I'm your student, Sir."

"Where is your manners?!"

"Hahanapin ko pa, Sir!"

Nahampas ni Sir Vivando ang ibabaw ng kaniyang table dahil sa sobrang pagkainis kay Roi. Sa kabilang banda, tila hindi papatinag si Roi sa kaniyang katwiran.

"Hindi porket pamilya niyo ang nagpagawa ng swimming pool ng eskwelahan ay may karapatan ka nang bastusin ako."

Nagulat at namangha ako sa isiniwalat ni Sir Vivando. Lingid sa kaalaman ng lahat na ang mga Silva pala ang nagpagawa nito? Sila ang anonymous sponsor?

"Sir, hindi po kami ang nagpagawa non." Seryosong sambit ni Roi bago saglit na tumingin sa akin.

"Sir, ano po palang kasalanan ko? Bakit kailangan ipatawag sila mama?" Pag iiba ng usapan ni Roi.

Nadinig ko ang pagbuntong hininga ni Sir Vivando. Hinilot nya ang kaniyang sintido at nagpalakad lakad animo'y nalilito.

"Naghabulan kayo nitong si Ms. Leopando sa corridor. Muntik niyo na akong mabato ng mop at higit sa lahat lagi kang tulog sa klase ko."

"Sir, ganon po kasi kami maglambingan nitong si Binibining Leopando." Kinuha pa ni Roi ang kamay ko at pinagsiklop ang mga palad namin.

Agad ko namang hinila ito palayo sa kaniya at tinignan siya ng masama.

"At hindi naman po kayo natamaan nung mop. Hindi naman kayo nasaktan kaya wala naman sigurong dapat na parusa diba?" Patuloy ni Roi at kumindat pa talaga sa akin.

"Bagay nga kayong dalawa, parehong pasaway." Biglang opinyon ni Sir bago maupo sa kaniyang swivel chair.

"Bagay kami sir? Palagay niyo?" Roi asked in playful tone.

"Oo. Good luck na lang sa magiging guro ng magiging anak niyo." Napailing iling si Sir Vivando pero hindi na siya gaanong kagalit tulad kanina.

"Yes! Boto si Sir sa atin, aking Binibini." Pagbaling naman ni Roi sa akin. Inirapan ko siya at hinampas ang braso bago lumayo na animo'y may sakit siya at takot akong mahawa.

Favorite Punishment (Age of Epiphany Series 2)Where stories live. Discover now