Kabanata 18

38 22 0
                                    

Meca

Katatapus lang namin maginsayo para sa laban namin bukas. Pagod na pagod na ang katawan at hindi ko na kayang tumayo pa. Halos na wala lahat ng lakas ko, minabuti ko na mo ng umopo sa isang sulok at huminga ng malalim. Kailangan kong magpahinga para bumalik ulit ang lakas ko.

Hindi ko lubos maiisip na ganito pala ka tindi ang gagawin namin. Unang una tinuro samin kong paano kumilos ng hindi nalalaman ng kalaban. Mahirap siya para sa bagohang tulad ko pero na kuha ko naman agad. Hindi kasi pweding basta basta na lang susugod kami at isa pa sa sinabi samin na wag daw kaming gagawa ng gulo. Hintayin daw namin na sila ang mauna sumogod bago kami lumaban sa kanila.

Itinoro rin samin kong paano kami makakakuha ng pagkain. Dahil dalawamg araw ito hindi pweding tutunga-nga na lang kami at maghihintay sa wala. Ang sabi ni Sir. Vash samin may mga pagkain na nakatago sa bawat puno, ang kailangan lang namin gawin 'ay hanapin ito. Hindi rin daw kami basta basta iinom ng tubig sa kong saan saan daw nakakalason ito.

Pinagsabihan niya rin ako na pwedi kong gamitin ang kapangyarihan ko para e-fertilize ang tubig bago ito inumin. Dagdag pa niya hindi daw maasahan ang mga nakikita namin sa gubat, lahat ng ito ay mga patibong. Na pagalaman ko rin na ang Grobata pala ang nagpapatakbo sa laro ito. Isa sila sa pinakamatataas na paaralan sa lugar na ito. Nakikita ang paaralan nila sa ibang dimension.

Tinuro'an rin kami na maki paglabad ng hindi ginagamit ang kapangyarihan. Kasi hindi sa lahat ng oras kailangan ito gamitin. Matindi rin kasi mag isip ang mga Grabata. Pwedi nilang i-shot down ang kapangyarohan mo habang nasa laro ka at hayaan ka na makipaglaban ng patayan.

Kahit ganito ang paliksan na nagaganap taon taon hindi na ito pweding alisin pa. Dahil simula pa nong una panahon hito na talaga ang laro na magsasabi kong sino ang may pinakamalakas na kapangyarihan na district.

Napatigil ako sa pagiisip ng inabot sakin ni Colver ang isang basong tubig. Agad ko itong ininom at pakiramdam ko na wala lahat ng mga pamamaga ng katawan ko.

"Okay ka na ba?"

"Oo, ano palang ang ipinainom mo sakin."

"Healing possion yun para sa katawan. Tinutolongan nito ibalik sa normal ang circulation katawan ng isang tao."

"Saan mo naman nakuha ito?"

"Ako lang ang gumawa yan. Nagaaral kasi ako ng mga kong ano ano hanggang sa na tuklasan ko yan. Kahit na paralyze ka pagininom mo to babalik lahat sa normal ang katawan mo."

"Ang dami mo talagang alam."

Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Kailangan ko ng magpalit ng damit dahil ang dumi dumi ko na at gusto ko rin tumolong sa mga kaibigan ko sa paghahanda para bukas.

"Saan ang punta mo?" patatanong sakin ni Deryle. Nakasunod lang naman sa likod si Colver.

"Magpapalit lang ako ng damit at tutulong ako sa labas para ma padali ang trabaho nila."

"Hindi ka ba magpapahinga?"

"Okay na ako. Sige na ma una na ako sayo."

"Sige, susunod na lang ako sa inyo tutulongan ko lang si Ryth."

Tumango lang ako sa kanya at lumabas na kami ng silid ni Colver. Bahang naglalakad kami sa hall way mula dito kitang kita namin kong gaano ka busy ang lahat ng tao. Ang malapad na field na palitan ng isang ma laking studio. Na kong saan na papalibutan ito ng napakaraming mga upo'an at sa gitna nito 'ay may mga ibat ibang booth na nakatayo.

Maraming mga laro nagaganapin bukas pero ang pinaka hihintay talaga ng lahat 'ay ang hunger game. Pumasok mo na ako sa cr at para magbihis. Pagkatapus kong magpalit ng damit tinignan ko lang ang sarili ko sa salamin. Ngumit lang ako para lakasan ang loob ko ng bigla na lang gumalaw ang reflection ko. Naging kulay itim ang mga mata ko.

The Last Alchemist - COMPLETEHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin