Chapter 16 - Ball Game

7.2K 434 17
                                    

Yesterday, was a freaking blast! Aaminin kong umalis ako sa detention room ni Ma'am Carinya nang masaya pero ngayong panibagong araw at huling detention ko ay hindi ko na alam kung papaano na ako haharap sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Yesterday, was a freaking blast! Aaminin kong umalis ako sa detention room ni Ma'am Carinya nang masaya pero ngayong panibagong araw at huling detention ko ay hindi ko na alam kung papaano na ako haharap sa kanya. Hindi ko alam kung kaya ko pang makipagbiruan ng ganuon sa kanya. Ang hirap. Ang hirap palang maging lalaki, may kung ano sa sistema kong 'di ko maintindihan.

"So kumusta naman ang detention mo with Ms. Carinya?" tanong ni Yana while eating her snacks dito sa cafeteria.

"Swerte mo, Bro. Si Ms.Carinya yun. The hottest and youngest professor here," saad ni Perlo. Hindi lang mabantot ang pangalan nya pero para din syang timang na nangangarap na maging boyfriend nitong si Ms.Carinya.

Mukhang sikat itong si Ms. Carinya para pagpantasyahan ng ganito ito ng mga estudyante.

"Ikaw nalang magdetention kung gusto mo." suhestyon na balik ko kay Perlo.

"Talaga ba, pwede kaya?" tanong nyang akala mo'y may pag-asa.

"Asa ka pa, Perlo, kung pwede lang ang substitution sa detention edi sana lahat nagvolunteer na." Natatawang singit ni Harvie sa usapan.

Ano bang nagustuhan nila dun sa Vivian na iyon? Grabe kung makapang-asar. Oo maganda sya at sexy pero the heck, 'di hamak naman na mas maganda ako dun kung nasa katawan kong babae lang ako.

"Seriously bro, hindi ka ba nag-enjoy duon, you know sa detention room?" pangungutya ni Landi no este ni Wil.

Ano bang gustong palabasin nito na bakla ako?

"Ha? Medyo." Asiwa kong sagot kay Wil pero sa huli ay napapangisi na rin ako hindi dahil sa iniisip nila, pero dahil sa kung paano ko sya nilampaso sa pang-aasar ni Ms. Carinya.

"Really such a pervert." Mahina pero rinig kong bulong ni Ava na nakatingin sa pagkain nya, paikot-ikot lang ang tinidor sa pagkain nito.

"I mean nag-enjoy ako magcheck ng mga papers kasi nakakatawa 'yung mga sagot ng ibang students. Nakita ko nga papers ni Mark dun saka ni Perlo' di man lang nangalahati yung score," pagsisinungaling ko.

"Shit, seryoso dude? Ligwak na tayo perlo kay Ms.Carinya. Masisira pa ata yung plano nating magpa-impress kung mababa score natin," sabi ni Mark na katabi ni Dazzy na parang luging-lugi lalo na si Perlo.

"We'll at least si Vion nagcheck sa inyo at hindi si Ma'am. Baka kung si Ma'am yun edi mas lalong pangit ang impression nun sa inyo sa pangit rin ng scores nyo," sabat naman ni Camille.

"Oo nga no. Galing mo dun Camille! Sabi nga nila. Pag may tyaga may kakainin." Proud na sabi ni Perlo na sya namang hagalpakan sa tawa ng iba pang nakaupo sa pwesto namin at ako nama'y iiling-iling lang din.

"By the way Vion, you need to attend the practice game later. Laban na natin bukas against Preston University. Fourth place sila last time kaya hindi parin natin sila pwedeng isawalang bahala. I can't play yet also. Paano detention mo?" seryosong sabi sakin ni Harvie.

What Happened to Vienne Heatherson (GirlxGirl)Where stories live. Discover now