Chapter 50 - Home Sweet Home

7.9K 473 169
                                    

I woke up with a sunlight on the window, greeting me a good morning and turned my gaze around the whole room which isn't familiar to me

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I woke up with a sunlight on the window, greeting me a good morning and turned my gaze around the whole room which isn't familiar to me. This isn't my room right? Halos mapafacepalm ako nang maalala ko na wala pala ako sa kwarto ko at nakila Ava pala ako.

Well shocks! Speaking of Ava, asan na sya? Wala nang ibang nasa room na ito kundi ako lang at ang stuffed toy na nakaupo pa rin sa malaking ottoman malapit sa kama ni Ava. I was too lazy to move still pero nagawa ko naman pilitin ang sarili ko para bumangon. Sarap siguro isipin na late ako magising at paggising ko ay dadalhan ako ng almusal ni Ava. Breakfast in bed ika nga. Damn, kinikilig ako sa thought na iyon pero the heck lang dahil alam ko namang 'di mangyayari iyon, halos pagtulakan kaya ako sa kabilang kwarto nun kagabi. I sigh.

I got up and washed my face, brushed my teeth with her extra brush na nakapile up sa cabinet nya. Mga bago ito at halatang tamad bumili ng paulit ulit kaya nagtambak na ito nang maraming pangsariling hygiene kasama na ang mga iba't ibang perfume at lotions. Pagkatapos kong gawin lahat ay agad akong bumalik sa kwarto ni Ava. The room is very nice na ngayon ko lang napagmasdan ng mabuti. It wasn't pink na usually ieexpect mo sa isang kwarto ng babae, although i'm a girl too ay hindi rin naman pink ang kwarto ko.

We're like more of a whitish color of a room, white is a hidden elegance. Ava has alot of stuff na hindi ko na dapat pakialaman pero isang bagay ang nakatawag ng pansin sa akin. It's a picture frame na nasa bedside table na halatang sinadyang itaob. I walked near it at dahan dahan na itinayo, and when I properly did it ay duon tumambad sa akin kung ano ang nasa picture. It was me and Ava when we were young but not that too young. Ava and I are sitting on a different swing chair looking at each other, smiling. It's kinda painful seeing what we used to that I can't even remember but it also gives me happiness knowing she's keeping this beside her bed like a priceless treasure.

"Hi Manang, goodmorning po." Bati ko sa isa nilang kasambahay nila na nakita ko pagkatapos kong bumaba galing sa kwarto ni Ava.

"Oh, Iha. Ikaw pala, maya-maya ay luto na ang breakfast nyo. Dyaan ka na lang muna sa sala, Iha, okay lang ba? Pasensya na ha. Gutom ka na ba?" tanong nito sa akin.

"Hindi pa naman po. It's fine, i'm not rushing naman po kahit brunch na lang ang mangyari, okay lang sa akin. Okay lang ba na dito muna ako papanuorin ko kayo magluto? Wala naman akong ginagawa." Ngiti ko kay manang Lina.

"Oo naman, Iha. Ikaw pa ba? Miss na rin kita eh," she said which confused me. So matagal na sya kila Ava at kilala nya rin ako? For a moment I felt bad.

"Ah, Manang... do you know where Ava is at?" tanong ko rito while roaming mg gaze.

"Nasa gym room nila. Malapit sa garden may separate room sa gilid nuon. Nag-eexercise siguro. Puntahan mo na lang." Ngiti nito sa akin.

"Nako hindi na po. Dito na lang muna po ako at baka maistorbo ko pa sya duon."

"Oh sya, kanina pa naman iyon duon baka patapos na rin naman sya," muling sabi ni manang.

What Happened to Vienne Heatherson (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon