037

150 5 0
                                    

CHARITY

Sabado ng hapon ngayon. Magdidilim na rin at naisipan kong pumunta sa isang malapit na 7-11 sa Condo unit ko para bumili ng ice cream.

Habang naglalakad ako pabalik sa condo at bitbit ang supot na pinaglagyan ng ice cream, nakaramdam na naman ako ng kakaibang pakiramdam. Ang pakiramdam na may sumusunod saakin.

Ilang araw na din akong ginagabi umuwi at araw araw kong nararamdaman na may nakasunod saakin. Nakahawak ako ng mahigpit sa supot at mas binilisan ang paglalakad nang hindi lumilingon sa likuran.

Tumakbo ako. Nilingon ko ang paligid ngunit walang mga tao na pwede kong paghingan ng tulong.

Ang bawat ingay na nililikha ng paa ko ay syang nasusundan ng malalaking hakhang mula sa taong nasa likuran ko.

Hanggang sa may humila saakin sa isang iskinita. Isang madilim na iskinita.

Tinakpan nito ang bibig ko at nakayakap saakin. Hindi ako makapalag hanggang sa nasilip ko mula sa isang butas ang lalaking naka itim na jacket na mukhang may hinahanap. Mukhang ako ang hinahanap nya pero bigla akong nawala.

Nakakatakot ang itsura nya. Isang malaking tao na may malaking katawan. Nakasuot ito ng beanie na kulay itim at halos itim lahat ng suot nya.

Nanlaki ang mata ko nang itinago nya sa bulsa nya ang kutsilyong hawak nya kanina at nagmadaling umalis.

Hindi ako makahinga. Mabuti na lang at ang taong nagligtas sakin ay inalis na ang hawak sa bibig ko. Hinarap ko sya at nagulat ako kung sino ang taong yon.

"Ezekiel?!"

"Shh." Tinakpan nya ang bibig ko sa pangalawang pagkakataon. "He will hear you."

Hininaan ko naman ang boses ko.

"W-why are you here?" Tanong ko.

"Ito ang daan papunta sa bahay namin." Sagot nya.

"Are you okay?" Pagdagdag nya.

Tumango lamang ako. Hindi pa rin mag sink in sakin ang lahat ng nangyari.

Hidden (EPISTOLARY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon