—CHARITY—
Lumipas ang isang linggo. Kumuha ng lawyer si Sir Ramos para sa kasong inihatol sa kanya. Gayondin si Kim.
Hindi na kami pumapasok sa school. Maski ako, nagmukmok ako dito sa unit ko at walang kinakausap mula sa labas. Wala na rin akong balita sa mga kaibigan ko at sa kung anong nangyayari sa campus.
Isang linggo na din akong hindi kinakausap ni Kim. Isang linggo akong naghihintay ng mensaheng galing sa kanya.
Hindi ko na naaasikaso ang relasyon namin ni Ezekiel. Basta ang alam ko lang, gulong gulo ang utak ko ngayon sa kabila ng nangyari. Usap usapan din sa buong campus ang pumatay kay Sapphire. Sinasabi nilang iisa lang ang pumatay sakanila ni Rosell. At pinagbibintangan nila ako.
Sa kabila ng pagiisip ko, tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa drawer ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/225232433-288-k634488.jpg)
BINABASA MO ANG
Hidden (EPISTOLARY)
Mystery / ThrillerA famous student and model Charity Villaruel was involved in a scandal video that leads to their classmate's death. Find out how the story unfolds one by one and how HIDDEN secrets revealed as time goes by. Genre: Mystery, Thriller, Romance DISCLA...