Chapter 1: In the beniningging

62 2 0
                                    

Masarap humigop nang mainit na kape habang umuulan.

At syempre wag kakalimutan na masarap den matulog sa malamig na kama habang nakikinig sa naglalakasang kulog, para kang nakahiga sa isang malambot na snowbed habang naguunahang bumagsak ang malalamig na nyebe sa mukha mo.

Sabado ngayon at wala akong pasok. Isa pa ay may bagyo ngayon kaya naman cancelled ang klase. Eyassss...

Kagigising ko lang ngayon kaya naman naisipan kong hugasan ang marumi at mamantika kong mukha na kulang nalang ay magluto kana nang itlog dito.

Kaso masyado akong tamad kaya naman ay hinayaan ko nalang magmantika tong mukha ko at nagbasa nalang nang Smu~ este highschool dramas sa wattpad.

Nakakatamad na den minsan magbasa nang Smu~ este( ano ba yan ) highschool dramas kaya naman naisipan ko namang manood nang mga top 10 alie~ este top most handsome man in the world... Eyas at syempre si Jin yon...

( puro kaya naman )

Nasa kalagitnaan ako nang pagpapantasya sa magiging asawa ko nang magpop up sa screen ko ang isang gwapong nilalang ( pero Bts parin 4ever )...

Iignore ko sana ito nang aksidenteng ko itong maclick...

"HI SISTERS!!!..."

Omfg. Iba yatang video napuntahan ko...

DE JOKE...

Nakita ko ang isang video na may lalaking nagngangalang kurt Bautista.

Well... SYER KU LUNGZ.

Si kurt bautista ay ang crush ko since 2010...

Crush ko siya since grade 2 palang kami.

Siya yung tipong iisipin mong suplado sa umpisa... Pero suplado pala talaga.

Sobrang suplado pero minsan pag nasa mood ay ok naman.

Crush siya nang bayan like may Official Group pa nga sa campus namen na grupo nang mga babae na baliw na baliw kay kurt. At Syempre kasama ako doon...

Pagkatapos ko makarating sa ibat ibang dako nang selpon ko mula sa hilangang netflix hanggang silangang timog asya nang facebook ay nadako ko na. Soon traveler🛩...

Kasalukuyan naman akong nagmml nang sumugod ang isang alagad nang kadiliman sa kwarto ko...

Siya si Kuya ang secret weapon nang organisasyong bahay na pinamumunuan naman ni mama. Hindi mo nga lang alam kung Traydor ba siya or Loyal siyang alagad...

"HOY BOTCHOG BUMANGON KA NA DYAN AT MAGHUGAS KA NANG PINGGAN KAHAPON AKO NAGHUGAS AH... SABI NI MAMA IKAW NAMAN DAW... TSK"

Napakaepal talaga netong gatas kong kuya... Siya si Chester...

"Maya na kuya... Nagmml pa k~"

Hindi ko na tapos ang sasabihin ko sumigaw siya.

"MAMA! AYAW NI CAMILLA OH!"

"KUYA SABI KO NGA ETO NA! OH OH PABABA NA!"

Nakakabanas talaga tong gatas na to tsk.

"MAMA OHHHH NAGAGALIT NAGDADABOG PA!"

Aba't... HO HO HO YOUR APPROACHING ME JOJO...

"ANO! MAGSUSUNTUKAN KAYONG DALAWA JAN!BAKA GUSTO NINYO DALHAN KO PA KAYO NANG KUTSILYO NAKAKAHIYA NAMAN"

Sabat nang nanay kong naghuhugas na nang pinggan dahil inip na inip na sa kakarinig saameng nagsusumbatan ni kuya.

Tumingin ako kay kuya na tila ba nanalo ako sa gera at siya naman etong nakatingin saaken nang para bang may bukas pa at maghihiganti siya saaken.

Just Call Me MarvisWhere stories live. Discover now