Entry#5.

1K 33 6
                                    

Entry#5.

 

Dear You,

 

Transfer student ka galing sa Italy. At dahil magkaiba ang curriculum doon sa pinanggalingan mo at dito sa Pilipinas, hindi na-credit yung mga subjects mo. Una tayong nagkakilala noong Intramurals sa University. Nakakatawa nga e. Tatlong buwan ka na sa Department natin ay hindi pa kita nakita kahit isang beses. Kilala ko halos lahat ng estudyante sa Nursing and Allied Health Sciences Department dahil member ako ng student council, Treasurer actually, at ako madalas ang kaharap ng bawat member ng ‘family’ natin.

Na-meet mo ako sa soccer match niyo nung chine-check ko kung may mga kailangan ba ang team niyo para maasikaso ko na agad. Nairita ako sa’yo dahil panay ang ngiti mo sa akin. No. You were grinning at me! Tingin ko nga naka-plaster na yung ngisi mo sa mukha mo e. Tsaka ko lang nalaman na talaga palang masayahin kang tao at palaging nakangiti nang matagal na tayong nagkakasama.

Kinuha mo sa kaklase ko—na ka-team mo—ang number ko. Nakailang mura ako sa kaklase kong iyon dahil sobrang kulit mo. Maya’t-maya mo akong tinetext at kapag hindi ako nagre-reply sa’yo ay tinatawagan mo ako! Kasali ako sa volleyball team at laking gulat ko nang nakita kita sa field kasama ang dalawang kaibigan mo. You were on our bench at nailing ako kasi nakikisali ka sa pagko-coach sa team namin. Tinitigan ko ng masama ang kaibigan kong nagbigay sa’yo ng bag ko. Dalawang taon na akong walang boyfriend at kapag nakakaramdam sila na may nagtatangkang manligaw sa’kin ay kulang na lang ipagtulakan nila ako sa mga lalaking iyon. Hindi ko na matandaan kung kelan huling may nag-alaga sa’kin. I mean, yung boyfriend thingy. You were hands on that time. Hindi ko pa hinihingi ay inaabutan mo na ako ng tubig. Nagkusa ka din na punasan ang pawis ko. Nakakailang, oo. Pero hindi ko maiwasan na ma-miss yung pakiramdam na may gumagawa ng mga bagay na yun para sa akin.

Hindi nga nagtagal ay naligawan mo ako. Nasanay na ako sa mga kakulitan mo dahil napansin ko na ganun talaga ang personality mo. Masyado kang optimistic kaya naman kahit hindi naman kita pinayagan manligaw ay nagpumilit ka pa rin. Sinabi ko sa’yo na may nanliligaw din sa’kin na taga ibang department pero sabi mo okay lang ‘yun. Basta gagawin mo yung best mo.

Madalas tayong kumain sa labas. Hindi dahil willing ako, kundi dahil hinihila mo ako sa sasakyan mo. Naalala ko pa yung mga eksena natin sa mga kinakainan natin. Una sa Jollibee. Pareho tayong nasa counter at umorder ako ng madami dahil ako naman yung magbabayad ng akin. Nang inabot ko yung bill ko, tiningnan mo ako ng masama. “Nakakainsulto ka ha”. Determinado ako na bayadan yung kakainin ko kaya inabot ko yun sa babae sa counter, pero kinuha mo ulit yun at ibinigay ang pera mo. Pinagtinginan tayo ng iba pang costumers dahil nagtatalo tayo dun. Litong-lito din yung babae kung aling pera ba ang kukunin niya. In the end kinuha niya yung sa’yo, “Hayaan mo na Ma’am, siya naman ang lalaki e.” Yeah right. Pero ayoko talaga ng nililibre ako. Wala ka pa namang trabaho at ayokong aksayahin mo ang pera ng mga magulang mo sa’kin. “Wag ka ng magmukmok, hindi naman galing sa Mama ko yung pera.” Dun ko nalaman na may trabaho ka pala! Shit! Suma-sideline ka pala sa mga indie films! Kainis ka! Isang memorable na pagkain natin sa labas ay nung kumain tayo sa Chowking. Sa second floor tayo noon at kakaupo lang natin sa table natin. “Init..” Unconscious na bulong ko. Hindi kasi ako pwede ng pinapawisan dahil para akong may allergic reaction sa pawis ko. Namumula ang balat ko at sobrang kati. Nagulat ako nang bigla mong tinawag yung waiter at pinabuhat mo yung table natin sa mismong tapat ng aircon. Hiyang-hiya ako kasi ang OA mo! Pero in fairness, ang thoughtful mo talaga.

Lumipas ang ilang araw at balik-hospital duties na ako. 7AM-3PM ay nasa university ako para umattend ng klase, at 4PM-11PM naman ay duty namin sa ospital. Noong una akala ko tatantanan mo na ako dahil hindi na tayo magkikita, busy na ako masyado at busy ka na din. Pero tumaba ang puso ko nang nakita kita sa 7/11 kung saan kami tumatambay ng mga kaklase ko pagkatapos ng duty para kumain. Ang lawak ng ngiti mo sa akin nung gabing yun dahil alam mo na nasurpresa ako. Gabi-gabi ay yun ang ginagawa mo. Minsan sa 7/11 tayo, minsan naman sa Jollibee. Dahil iyong dalawang kainan lang ang bukas ng ganung oras. One Friday night, after ng duty namin nag-aya ka mag-inom kasama ang mga kagrupo ko. Agad namang pumayag ang mga iyon dahil ewan ko ba. Lahat ata ng Nursing students ay mahilig sa party at inuman. Doon kayo natulog sa bahay ng kaklase ko at umuwi naman ako.

Dear You.حيث تعيش القصص. اكتشف الآن