13th: AUDITION!!!

218 12 0
                                    

Kinakabahan ako habang pa pasok sa room kung saan ako kakanta. Hindi ko parin alam kung anong kakantahin ko.





'Pag pasok ko ay madilim. Tanging ang maliwanag lang ng spot light ang ilaw sa loob ng kwarto. Nakatutok ito sa'kin pag kapasok na pag ka pasok ko.





Naglakad ako papunta sa gitna. Sa harap ko ay ang di kalayuang mesa na sa tingin ko ay doon nakaupo ang mga 'judges' ngayon. Hindi ko makita o maaninag ang kanilang mga mukha dahil madilim sa gawi nila. At isa pa, nakaka silaw ang liwanag ng spotlight na nakatutok sa'kin.






Tumikhim ang isa sakanila at nagsimulang mag salita.






"What's your name? And section?" Medyo cold na boses, shesh. Nakakakaba talaga!




"Heart Vivoriee Swift..." kinakabahang sagot ko. "S-Section 3 po..."





"Anong kakantahin mo?" tanong ng isang boses lalaki. Parang pamilyar ang boses na 'yon ah!






"I... uh, actually don't know.... Can you suggest one?" yan ang tanging nasagot ko. Totoo naman! Wala akong maisip na pwedeng kantahin!





"You don't know? Bakit? Hindi ka ba prepared ngayon sa audition?" tanong ng isa pang boses lalaki na hindi pamilyar sa'kin. Pero, compared to the first two voices, he's voice is soft.




"Long story..." I answered and shrugged my shoulders. Ayoko namang sabihin na hindi talaga ako prepared ngayon. Ni hindi ko nga alam na mag a-audition ako eh! Ayokong ipahiya ang section ko. At ayokong malaman na kaya ako andito sa harap nila ay dahil lang sa napilitan ako.





"Then, sing what comes in to your mind, when I say comeback," sabi ulit ng boses na pamilyar sa'kin. Na-gets ko naman kaagad ang ibig niyang sabihin. Nag isip ako saglit ng kanta na may lyrics na 'comeback'. Habang hawak ang mic, wala ako sa sarili'ng kinanta ang kantang naisip ko.





Maybe my love
Will come back some day
Only heaven knows
And maybe our hearts
Will find a way
Only heaven knows
And all I can do
Is hope and pray
'Cause heaven knows




Voice (ON-GOING)Where stories live. Discover now