14th: WHATEVER

204 11 0
                                    

Anim na gwapong lalaki. 'Yan ang nasa harap ko ngayon. Lahat sila ay nakatingin sa'kin. OMG, masyado ko atang ginalingan. 





Bukod sa mga gwapong lalaking ito ay meron ding isang medyo may edad nang babae na sa tingin ko ay teacher? I don't know. I'm not sure though.





Sa likod naman nila ay may tatlong babae na nakangiti sa'kin at medyo naluluha pa ang mga mata nila. Ang isa sakanila'y namukhaan ko. Siya yung babaeng nagbigay sa'kin ng number kanina!





"Ang galing mo palang kumanta e," pag basag ng katahimikan ni Ethan. Nilingon ko siya at tipid akong ngumiti.




"You're from section 3 diba?" tanong ng isang lalaki na katabi ni Ethan. Gwapo siya. Maputi at maganda ang tindig ng katawan kahit na nakaupo siya. May dimple din siya sa kanang pisngi niya.




Tumango lang ako bilang tugon. Ewan ko ba at hindi ako maka pag salita nang maayos ngayon. Shit shit!




"So, I assume kilala mo si Stephen?" tanong ulit ni Kuya dimples. Pero 'di ko alam kung sino ang tinutukoy niya.





"Pardon ?" anya ko dahil hindi ko nakuha ang sinabi niya.





"Kung taga section 3 ka, bakit ngayon lang kita nakita?" random question ng isang lalaki na katabi naman ni Andrew. Morena siya. Sakto lang ang pangangatawan. Gwapo din siya. Pero mas gwapo si Andrew. Ehe.






"Dude, we already saw her at the cafeteria before!" masiglang sagot naman ng isa pang lalaki. Singkit naman ang isang 'to. May kulay ang buhok niya. Gwapo din. Pero sabi ko nga kanina, mas gwapo si Andrew. Ehe.





"When?" tanong ulit ni kuyang moreno.





"Wala si Nasher noon nang nakita natin siya sa cafeteria, Bro..." singit ng isa pang lalaki na maputi. Mestiso. Siya ang pinaka maputi. Gwapo naman siya, pero iba ang dating niya. Parang siya yung tipo ng lalaking minsan lang magsalita. Observer pa ganern.

Voice (ON-GOING)Where stories live. Discover now