Chapter 1 | First Day

2K 63 38
                                    


XAMIRA


"Iyan lang?" tumawa ako nang napatumba ko na ang lahat. Eh hindi nga natagalan ng sampung minuto ang laban namin.


"Kita mo? Lima kayo at isa lang ako pero napatumba ko kayo. Ni hindi pa nga umabot ng sampung minuto." nginisihan ko sila habang nilalaro ang maliit na parte ng buhok ko gamit ang daliri.


"Ang yabang mo talaga!" singhal sa akin ng isa sa mga kalaban ko kaya biglang napaangat ang gilid ng labi ko.


"Sino ang mas mayabang sa atin? Nung hinamon nyo 'ko, akala nyong matatalo nyo agad ako." napailing ako habang nakangisi.


Linapitan ko ang nagsalita at hinawakan ang baba nya 'tsaka pinatingin sakin. Duguan na ngayon ang labi nya dahil sa suntok ko kanina.


"Do you know someone who can beat me?" tanong ko habang sinusuri ang kanyang mukha. Lumapit ako sa tenga nya at may binulong.


"Wala," nakangising ani ko at mabilis na siniko ang batok niya dahilan para mawalan sya ng malay.


Tss. Ganda nang exercise ko ngayon, ah?


Umuwi kaagad ako pagkatapos ng laban naming hindi manlang ako pinawisan dahil unang araw ng pasok bukas. Those are weaklings. They can't even punch me straight.


I am Xamira Amoré Hamilton, 17. A bulletproof woman without any fear. For me, fighting is easier than doing homeworks nor solving mathematics. The ruler of - oh, that's for you to find out.


-


Maaga akong gumising ngayon kasi first day of school ko dito sa pinas. My siblings and I studied in Korea simula noong nasa elementary palang kami kaya ngayon lang kami nakapag-aral dito ulit.


Sa Korea kami nag stay noon dahil sa business ng parents ko. Nag babakasyon lang kami dito sa pinas tuwing holidays and today, we are gonna stay here for good.


Naligo na ako at nag sipilyo tapos nagbihis ako ng black oversized na shirt, faded na baggy denim jeans, at puting sapatos kasi wala pa akong uniform. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako para mag almusal.


"Good morning, Ma." bati ko kay Mama noong pumasok ako sa kusina.


"Good morning, baby!" she smiled at sinulubong ako ng yakap.


"Ma, stop it! How many times do I have to tell you that I'm not a baby anymore?" I feel so frustrated because she is treating me like a kid! I am not so comfortable with it.

Partner in ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon