XAMIRA
It's been 2 months since our vacation in boracay. 2 months na rin kami ni Kaizer and well, he introduced himself as my boyfriend to my family at sa family nya rin. Masaya ang mga nakaraang buwan na nagdaan. Sina Calyx at Nayah 'tsaka sina Amira at Ash ay official na rin.
"Love," tawag nya sa akin.
Nandito kami ngayon sa isang reception ng hotel dahil debut ni Lira, kaklase namin. I'm wearing a off-shoulders long gown, royal blue ang kulay nya at may side slit sya, meron rin mga glitters sa may paanan nya then itim na ankle strap heels. Kasama naming lahat ng kaklase namin ngayon. Dito kami tutulog ngayon dahil sa after party then Lira's parents reserved a room for us. Isa sa boys at isa sa girls, merong walong kama ang kwarto at dalawang cr.
"Hmm?" sagot ko kay Kaizer. He was holding my hand while playing my fingers.
"I'm bored," sabi nya 'tsaka ngumuso. Sasalita na sana ako nang bigla kaming tinawag ng host para magpapicture sa harap kasama si Lira. She's so stunning. She's wearing a rose gold ball gown, off shoulders ito at maraming sparkles sa kabuuan ng gown.
Si Kaizer ay nakatayo sa tabi ko habang hinahawakan ang bewang ko. He's wearing a black tuxedo, kahit simple lang ay hindi parin mawawala ang pagka gwapo nya. Umupo kami ulit pagkatapos ng picture taking. Meron ring photo booths kaya pumunta kami doon nina Amira. We took some photos tapos pagbalik namin ay tapos na ang party.
Bumalik kami sa room para magpalit para sa after party. I'm wearing a cowl neck satin top, wine red ang kulay nito saka black leather skirt at black ankle boots. Hinayaan ko lang ang buhok ko kasi may soft curls pa naman sya. I make my eyes smoky then I applied red lipstick.
My girls and I took some photos because our outfits looks like we're a badass. Nayah is wearing a black square neck crop top at yung pares nyang trousers 'tsaka block heels. Si Maiara naman ay naka maroon bralette at leather leggings, black ankle boots rin ang suot nya. Lastly, Amira is wearing a black sequins tube na hanggang sa ilalim ng dibdib lang, denim high-waisted shorts 'tsaka black high knee boots. Nagsuot na rin ng rose gold silk coat si Amira.
Sabay-sabay kaming bumaba na apat at nakita namin sina Kaizer sa lamesa kaya pumunta kami doon. He's wearing a black dress shirt then grey slacks. Umupo ako sa tabi nya at kumuha ng wine.
Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin kami naka alis sa tabi ng boys. We wanna go to the dance floor pero ayaw nilang iba ang kasama namin. Isang tingin lang ng mga lalake sa amin, parang gusto na nilang pumatay kaya nanatili nalang kami dito para walang gulo.
I'm playing at my phone to ease my boredom pero may biglang nag text. Who the hell would text me at this time? 12:41 am? Really?
I checked it and it's from dad. Ano ba naman ang kailangan nya?
From: Dad
The gangsters are getting worse. You need to warn them.
Kumunot ang noo ko dahil sa mensahe nya.
BINABASA MO ANG
Partner in Action
Teen Fiction[COMPLETED] Lee Series #1 Meron silang misyon, misyong malaman kung sino ang long lost heiress ng isang mafia group. Xamira Amorè Hamilton is a mysterious young lady. He assumed she was a ordinary student, but that is not the case. She is indeed not...