KABANATA 1

7 2 0
                                    

Third Person's POV:

Naglalakad sa gilid ng kalsada pauwi ang isang dalaga na nagngangalang Luna Percival.

Kasalukuyan rin siyang nakikinig ng music...

I really like you,
I want to confess
But I'm scared to find out the truth..

Whether if you like me back or not
I wonder every day until my mind goes insane..
Please tell me how you feel

"Pano nga kung hindi niya rin ako gusto?" napatanong si Luna sa kanyang sarili dahil sa lyrics ng kanyang pinapakinggan.

"Ahhh!"
Hiyaw niya nang may biglang tumama sa kanyang dibdib at nagpatumba sa kanya.

Hindi niya alam kung anong nangyari dahil nawalan sya bigla ng malay.

$_$

Sa isang paaralan naman ay nagising ang isang lalaking nagngangalang Eric Lee sa kanyang pagkakatulog sa isang puno.

Hindi niya namalayan na inabutan sya ng gabi sa sanay panandaliang pagpapahinga lamang dahil sa kanyang pagod sa training ng basketball.

Tumalon sya mula sa sangang kanyang tinulugan at nagunat-unat.

"Haysstt, lagot ako kay mama neto! Bakit ba kasi napahaba tulog ko eh!"

Sabi niya pa sa sarili niya bago nagmamadaling tumakbo sa parking lot ng school upang kunin ang kanyang sasakyan.

Ngunit bago niya pa mabuksan ang kaniyang sasakyan ay may biglang tumama sa kanyang dibdib na naging dahilan ng kaniyang pagkatumba saka sya nawalan ng malay.

$_$

Sa ibang lugar naman kung nasaan si James Mendez ay napakaingay at napakaraming tao.

Dahil ito sa ginaganap na car racing at kasali na siya sa mga susunod na sasalang sa racing.

Tinawag na ang mga kalahok at kasali na roon si James na ngayon ay papunta na sa kaniyang sasakyan.

Nagsisimula na rin ang countdown para masimulan na ang kanilang karera.

10

9

8

7

6

5

4

3

2

1

Go!

Ngunit bago pa nya mapaandar ang kaniyang sasakyan ay may biglang tumama sa kaniyang dibdib.

At ang huli niyang nakita bago siya nawalan ng malay ay ang mga sasakyan ng kaniyang mga kalaban na nauna na at ang salamin ng kaniyang sasakyan na may butas.

$_$

Sa loob naman ng isang laboratoryo ay nadoon ang isang lalaking nagngangalang Nathan Salvador.

Ang kanyang laboratoryo ay puno ng iba't ibang kemikal at mga kagamitan na kanyang mga gawa o inembento.

Wala siyang kaibigan kaya dito nakabuhos ang kanyang atensyon.

Kasalukuyan siyang naghahalo ng mga kemikal para sa gagawin niyang antidote para mapatubo ang mga halaman agad na hindi na kailangang mag gugol ng mahabang panahon.

May ilalagay sana siyang kemikal nang biglang may tumama sa kanyang dibdib at sa hindi sinasadya ay nasagi niya ang mga kemikal na kanyang pinaghalo halo at ito ay natapon.

Labis ang kanyang panghihinayang habang nawawalan ng malay.

$_$

Isang babae naman ang habol ng mga kalalakihan na nagngangalang Mia Valiente.

Hingal na hingal sya dahil kanina pa siya hinahabol ng mga gangster na kaniyang nakaaway.

Hindi niya na sana pinatulan ang pambabastos neto kung alam niya lang na gangster ang mga ito.

Ngunit habang tumatakbo siya ay may biglang tumama sa kanyang dibdib kaya siya natumba at nawalan ng malay.

Samantalang ang mga gangster na mga lalaki ay napahinto nang makita nilang natumba ang babaeng kanina pa nila hinahabol.

Akmang lalapitan nila ito nang bigla itong maglaho na nagdala sa kanila ng takot at naging dahilan ng kanilang pagtakbo papalayo rito.






















_____ _______ ____

WaHahaha ba't parang ang serious?😅

Yaan nyo na, matatawa rin kayo sa mga susunod na kabanata.

Ano kaya ang nangyari sa mga yun noh?

Bigla pala silang naglalaho ano?

Saan kaya sila napunta?

At anong mangyayari sa kanila???

Abangan parin!!!




Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: May 18, 2020 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Amazing 5Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ