CHAPTER 4

10 2 0
                                    

1 month passed...

Naglalakad ako papuntang canteen ngayon. Andaming lumalapit sa akin nag-pipicture at nag papa-autograph. Grr. Ang gugulo nila.

Mag-isa akong pumasok sa Canteen. Nag away kasi kami ni Joyce. Inaway away ko sinabihan ko ng masasakit na salita. Yung lang ang paraan para layuan niya ako. Eto namang si Kyle tawag ng tawag sakin. Kaya naka-block list siya saken.

Yung last text niya pa. Di ko pa nakita kaya tinap ko to para tignan

Message Received.

Kyle: bakit ang dense mo na?

Ano ibig-sabihin niyang dense? Manhid... Yeah I need to avoid you.. Boyfriend pala kita. I mean nung totoong Juliet mo. I'm not her any way. Malas ko talaga... Born to be unlucky.

Pero umaasta siyang parang hindi ko siya jowa o ganon lang talaga siya. Anyway mag-isa akong naka-upo rito at walang sumasabay sakin. Nahihiya sila, okay lang ayaw kong may kasabay. Si Joyce naman katabi iba, hindi ko sila kilala. Baka yung totoong Juliet kakilala nila at ka-vibe.

Umalis nakong di tinapos yung chips na binili ko. Nagulat ang iba sa ginawa ko at sinundan nila ako.

Hindi ko sila pinansin hanggang makarating ako sa kabilang building. Nag deretso nalang ako sa Batibot para tumambay. Walang ka tao tao kaya ang peaceful. Simple lang din ang suot ko ngayon naka-pants ako na black,at plain white t-shirt. Aminin kong cheap tong suot ko pero ang lakas ng dating sakin lalo na't ay naka-necklace pa ko ng mamahalin. Nakalimutan ko itanggal nung asa pumunta ako sa club at walang ako choice na isuot tong black robber shoes. Para akong dancer sa datingan ko. Imported na dancer.


"Oh? Juliet ano ginagawa mo dito?" tanong ng estrangherong lalaki sa likod ko.

Akala ko na eto na yung lugar na magiging mapayapa ako pero bakit talagang may babasag sa katahimikan ko.

Lumingon ako sa kaniya.

Mukha siyang anime character na medyo pogi. Pati buhok niya anime na anime. Sino naman siya??

Hawak niya bag niya at naka plain black at naka-pantalon tas Vans na sapatos. Simpleng simple.

"Who are you?"tugon ko.

Napatawa siya at lumapit sakin,sobrang sobrang lapit.

Naka-angat ulo ko dahil nakaupo lang naman ako. Siya naman ay nakatayong lumapit sa akin at nakatitig pa sa mata ko.
Sa sobrang lakas siguro ng tibok ng puso ko,napalayo ako sa kaniya.

"Ano ba?!" irita ako lumayo sa kaniya.

Napakunot naman noo niya.

"Sorry, sorry nagulat ba kita?"lumapit uli siya sakin.

Umiling nalang ako at tumalikod. Tumingin na rin ako sa malayo napa pikit ako ng madiin. Pagmulat ko wala ng bago. Nararamdaman ko parin presyensya ng lalakeng asa likod ko.

Tch' bakit di pa ba siya umalis, pinakitaan ko na ngang wala kong interes kausapin siya.

Sa kalagitnaan ng katahimikan ay tumunog ang tyan kong nagugutom. Gutom na talaga ako at di ko manlang kinain yun chips ko binili kanina. Nanunuyot na rin lalamunan ko.

"Gutom ka?" tanong niya at napa tungo nalang ako.

Nagulat naman ako hiklasin niya kamay ko at wala manlang ginawa kung di sumabay sa pagtakbo niya hawak hawak ang kamay ko.

Last days with you [ON-GOING]Kde žijí příběhy. Začni objevovat