1st Runner Up🥇

338 59 150
                                    

Title: Her Number One WishGenre: Fiction/DramaContestant: jeoncayDescription: Ang storya ni Yeil Mitchelle sa pagiging hopeless niya sa buhay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Title: Her Number One Wish
Genre: Fiction/Drama
Contestant: jeoncay
Description: Ang storya ni Yeil Mitchelle sa pagiging hopeless niya sa buhay. Laging kulang lahat ang mga ginagawa nya para makapit ang kanyang hiling sa buhay. But bilang na rin ang kanyang itatagal sa mundo.

🧡

Pumasok si Yeil sa classroom ngunit napatigil siya ng makita niya ang kanyang mga magulang sa harap kausap si Mr. Sully, ang kanyang teacher.

Ang mga kaklase niya ay tahimik na nakaupo at nakatingin sa kanya habang siya ay nanatiling nakatayo sa may pinto. Nabaling ang tingin ng kanyang mga magulang sa kanya at tiningnan ito ng masama.

"Lumapit ka dito." malamig na wika ng kanyang ama.

"Wag mong palapitin yan." sabi naman nang kanyang ina.

Kaya siya ay tumigil sa paglalakad, ramdam niya ang tingin ng mga kaklase niya sa kanya, nakatayo siya sa gitna ng classroom at hindi alam ang gagawin.

"Bakit ganito ang grades mo?" tanong ng kanyang ina.

"Sorry po." ang tanging salitang lumabas mula sa kanyang mga bibig.

"Sorry? Yan lang ba ang sasabihin mo? Sorry?" napatungo na lang siya sa mga salitang binitawan ng kanyang ina.

"Puro ka na lang sorry, wala namang nangyayari, isa kang malaking kahihiyan." sabi ng ina niya habang lumalapit siya sa kanya, nanatili pa rin siyang nakatungo.

"Ganyan ka na lang lagi. Wala ka nang ginawang maganda, puro ka palpak, hindi ka ba nag review?"

"Nag review po."

"Nag review? Kung nag review ka bat ganito? Kulang yang review mo. Di ka nag aral ano? Puro ka landi!" sigw ng kanyang ina habang dinuduro niya si Yeil, napahawak na lang si Yeil sa kanyang palda upang pigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Lumapit ang kanyang ama para pigilan ang kanyang ina.

"Tama na yan. Sa susunod mag aral kana para di ganyang grades ang nakukuha mo." bangit nang kanyang ama na mas nagpabigat sa kanyang saloobin.

"Excuse me Mr. And Mrs. Mitchell, pero nag aral naman po si Yeil, in fact siya po ang pinaka masipag mag aral sa klaseng ito." pagtatanggol ni Mr. Sully kay Yeil.

"Kung siya ang pinaka masipag, hindi ganito ang makukuha niyang score." sabi ng kanyang ina.

Magsasalita pa si Mr. Sully ngunit sinenyasan ito ng ama ni Yeil na wag na mag salita.

Ang mga kaklase ay nahati sa dalawang grupo. Yung iba nakatingin sa kanila at pinapanuod ang mga nangyayari lalo na sa reaksyon ni Yeil, at yung iba naman ay nakatungo lang at mas pinili na lang na makinig sapagkat hindi nila lubos akalain na ganito pala ang sitwasyon ni Yeil.

Book ClubWhere stories live. Discover now