Chapter 9

14 9 0
                                    

Thine's POV


"Thine, tingnan mo famous ka na!" Nilapitan ako ni Ellison at ipinakita ang cellphone nya.

 
Nasa dorm kami ngayon at dahil weekend, plano ko sanang umuwi kay Kuya dahil sa pagkakaalam ko ay uuwi rin si Caleb. Kaso, sinumpong ako ng katamaran.

 
 
Binasa ko ang caption na nakalagay sa picture ko.

 
'Andrew Sebastian Sy spotted clinging with a Nursing student named Amaranthine'

 
"Ano'ng kalokohan naman 'to?" Ihahagis ko na sana ang cellphone nya nang makita ang pictures.

 
Ang isa ay kuha nang maupo si Andrew sa tabi ko habang nanunuod ng basketball. May kuha pa na hawak nya ang kamay ko, ito yung panahong tinatanong nya kung ayos lang ba ako.

 
Ang isa pang litrato ay kuha sa library kung saan tinabihan nya rin ako at dinaldal.
 

"Basahin mo pa yung buong caption, sis" dagdag pa ni Ellison at pinindot ang See More...

 
'Andrew Sebastian Sy is one of the most outstanding and popular student in University. He is also popular outside our campus as he joined the national swimming competition last year. On the other hand, Amaranthine Becket is a Nursing student and a childhood friend of Caleb Kristofferson Anderson who is also popular in our University. She is graduated having a High Honor degree in senior high school and also won three KICKBOXING championship games. She is a BEAUTIFUL, SEXY, SMART and STRONG student.

 
Does she deserves our Andrew Sebastian?'

 
Napangiwi ako matapos basahin ng buo ang caption. "Ano namang nakakatuwa dyan ha?" Inihagis ko sa kama ni Ellison ang cellphone nya.

 
"Duh famous ka na at nalilink ka pa kay Fafa Andrew" kitang-kita sa mukha nya ang pagkakilig habang si Luna naman, nakatingin lang sakin.

 
"Invasion of privacy yan ah, ang daming information ko ang nakalahad"

 
Tumabi ako kay Luna. Niyakap ko ang braso nya, tatawa-tawa naman nya'ng hinimas ang ulo ko at kunwaring nakikisimpatya sakin.
 

"Okay lang yan Thine, isipin mo makikita yan ni Parzival mo. Malay mo magselos sya tapos marealize nya'ng gusto ka pala nya"

 
Napaangat ako ng tingin dahil sa makabuluhang sinabi ni Luna. Pero agad rin ako'ng nanghina matapos maalala yung tula.

 
"Malabo yun hays" umakyat na lang ako sa higaan ko. Mas magandang matulog na lang ako.
 
 
 

Caleb's POV

 
"Caleb totoo ba to?" Nagmamadaling lumapit sa'kin si Jasper at ipinakita ang isang post sa forum.
 

Binasa ko ng buo ang caption. Sa pictures pa lang ay alam ko na kung ano'ng nilalaman.
 

Tinawanan ko lang si Jasper at hindi sya sinagot. Tiningnan ko naman ang reaksyon ni Parzival nang tingnan rin nya ang forum. Kunot-noo lang syang tinitingnan ito at mukhang hindi interesado.


"Huy Caleb, tinatanong kita. Nililigawan ba talaga nitong Engineer na to si Thine?"
 

"Hindi ko alam" natatawang sagot ko dahil wala naman talaga kong alam, "pero kung nililigawan man nya, malabo sya kay Thine"

 
 
Tiningnan nila ako'ng tatlo. "Panong malabo?" Tanong pa uli ni Jasper na mukhang curious na curious.

 

"Hindi Engineer ang gusto ni Thine" tinalikuran ko sila saka humarap sa study table ko.

 
"Kung hindi Engineer... Ano?" Tanong na rin ni Collen.

 
"Gusto ni Thine..." Hinarap ko sila at tiningnan isa-isa. Obvious naman na miski si Parzival ay interesado.


"Gusto ni Thine ng med tech" matapos kong sabihin yun ay abot langit ang ngiti ni Jasper.

 
"Ibig sabihin may pag-asa ako kay Thine?"
 

Nginisian ko sya. I shook my head saka sumagot, "hindi ikaw ang gusto nya. Malabo ka don"
 

Ang dami pa nilang tanong pero hindi ko na sinagot. Nag-patuloy ako sa pagbabasa ng libro habang panay daldal naman yung dalawa.

 
   
 

Andrew's POV

 
"Turn this down" ibinagsak ko ang cellphone sa mesa ni Yani.


Her eyebrow arched then she smirked. "Why would I? It's my job" she answered confidently.

 
Hinawi ko ang buhok sa sobrang inis. Paanong ang pagmamalasakit ko sa babae'ng yun, mauuwi sa chismis.

 
"There's nothing between me and that girl. Just delete this post!"

 
Hindi nya ako pinakinggan. She faced her computer and start ignoring me.


I sighed. Wala talagang matino sa eskwelahang to, miski admins and staffs, puno ng hangin ang utak.

 

Bumalik ako sa library. The only place where I can find peace of mind. Masyadong cruel ang outside world and I would rather spent every minutes reading books kaysa harapin ang mga tao'ng magagaling lang namang gumawa ng kwento.

 

"Andrew" napapikit ako sa inis.

 
Nagpunta nga ako sa library para manahimik pagtapos ay may tatawag sa'kin?

 
I faced him. Matangkad, at may itsura. His deep voice made me recognize him.

 
"Parzival" I smiled and stood up.

 
"Let's talk" bulong nya saka naglakad palabas ng library.

 
 
 
Thine's POV


Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa malakas na tili ni Ellison. Ano na naman bang meron?


Itinigil ko ang pagbabasa ng libro saka sya hinarap. Her smile is so wide na kulang na lang ay umabot ito sa tenga nya, literally.

 
"Ano'ng meron?"


"Look at this Thine!" Iniangat nya ang libro ko sa anatomy, the one I borrowed on the library.

 
"Oh ano'ng meron dyan? Saka asan si Luna?" Wala kasi si Luna sa dorm at nakakapagtaka iyon dahil hindi naman yun umaalis nang mag-isa.

 
May kinuha sya'ng papel na nakaipit sa libro saka ito inabot sa'kin. "Cellphone number siz. May nagkakagusto sa'yo sa room!"


Paanong ang isang cellphone number na nakaipit sa libro ko ay senyales na may nagkakagusto sa'kin?


I crumpled it saka itinapon sa basurahan. "Nah wala kong paki, hanapin natin si Luna" tumayo ako sa upuan saka lumabas ng dorm.

 

Hindi ko naman talaga hahanapin si Luna, I just want to breathe some fresh air. Isa pa, ang tagal ko na ring hindi nakakapag-jogging. Namimiss ko na mag-training.

 
Umupo ako sandali sa isang gilid. Napagod ako kakatakbo. Pinanuod ko ang mga estudyante at professors na naglalakad, maging ang mga puno at ibon.

 
Our University is really wonderful. Hindi man to napapansin ng iba, para sa'kin the best talaga to.

 

Luna's POV


"Can you please do me favor?"


Tiningnan ko si Caleb. Tinawagan nya kasi ako dahil may sasabihin daw sya.

 
"Hmm"


"Please keep an eye to Thine. These past few days, madalas sya'ng nasasangkot sa gulo. Tawagan mo kaagad ako kapag nanggulo na naman yung babae ah" I nodded.

 
"May gusto ka ba sa kanya?"

 
Nagulat naman ako nang bigla sya'ng tumawa. "Imposible. Hinding-hindi namin magugustuhan ang isa't-isa. If you think it's impossible for boys and girls to be friends, sa'min ni Thine hindi. Pure friendship lang"

 
"Meron o wala lang naman, ang dami mo pang sinabi"

 
Matapos nya'ng sabihin sa'kin ang famor nya, pumasok na rin kaagad ako sa dorm. Wala naman ako'ng sasabihin sa kanya at wala na rin namang pag-uusapan.

 
  

A Bit Sweet (Coffee Flavor #2) ON-GOINGWhere stories live. Discover now