Chapter 13

10 8 0
                                    

Caleb's POV

 
Nakaupo na ako sa unahang bahagi ng klase, naghihintay sa pagdating nila Thine. Hindi ako umaasang papasok sya ngayon pero nagbabakasali ako. Kilala ko si Thine, bukod sa malakas sya matapang rin sya.
  
 
"Good morning bitches!"
 
Tumingin ako sa pintuan kung saan pumasok si Ellison. Naka-black pants ito at blouse. Masyado ring dark ang make up nya at nakakapanibago ang looks nya.

 
Nabaling ang atensyon ko kay Luna na mukhang dinamay rin ni Ellison sa pagbabago nya. Pero magandang pagbabago naman ang kay Luna. Naka-hair pin sya at naka-dress, kapansin-pansin rin ang light make up nya. Ang ganda.

 
Kasunod ng dalawa ang hinihintay ko. Si Thine. Napangiti naman ako nang makita ang kaibigan ko, matatag talaga sya.

 

Kapansin-pansin rin ang pagbabago kay Thine. Dati ay palagi lang sya'ng naka-t-shirt at naka-pants o di kaya ay jogging pants pero ngayon, naka-blouse at skirt sya. Bumagay rin sa medyo masungit nya'ng mukha ang medyo dark na make up nya.

 
 
"Ang gaganda nyo naman" bati ko pa nang makalapit sila sakin.

 
Naupo si Ellison sa dulong bahagi habang si Luna ang nasa gitna namin, si Thine naman ay nasa kaliwang side ko at nakagitna ako sa kanila ni Luna.

 
"Bakit wala ka kahapon?" Bulong ni Thine sa'kin.

 
"Nanduon ako, ayoko lang lapitan ka dahil alam ko'ng iiyak ka"

 
Si Thine kasi yung tipo ng tao na kapag nilapitan mo sya sa ganoong sitwasyon, mas iiyak sya. O di kaya mas maaawa sya sa sarili nya kaya dapat hindi mo sya aamuin.

 

"You know me well, Caleb" bulong nya pa ulit.

 
Inilabas nya ang tumbler nya at isinandal muli roon ang salamin nya. Natawa naman ako dahil matapos nang lahat ng nangyari kahapon, gusto nya pa rin makita si Parzival sa pamamagitan ng salamin na yon.

 


Thine's POV

 
"Thine, totoo ba yung nangyari kahapon?"



Natigil ako sa pagliligpit ng gamit ko. Nakatayo na sina Ellison at akmang lalabas na ng room pero napabalik sila dahil kay Klara na bigla na lamang lumapit at nagtanong.

 
"None of your business"

 
Ipinagpatuloy ko ang pagliligpit at saka nagmamadaling tumayo. Lalabas na sana ako nang marinig ang boses ni Parzival.

 
"Get out of the way" bulong nya pa kay Klara.

 
"Thine, tara na!" Sigaw ni Ellison sa akin.

 
Halos patakbo ako'ng lumapit at sumunod sa kanila.



 
Pagdating sa canteen, hindi maiwasang pagtinginan ako ng mga tao sa paligid. Hinawakan naman ni Caleb ang kamay ko.

 
"Wag mo silang pansinin, nagagandahan lang sila sayo" inismiran ko sya. Alam ko namang maganda ako.

 

"Don't worry, kayang-kaya ko yang mga yan"

 


Nang maupo kami, bigla namang nagsibulungan ang mga kababaihan sa kabilang lamesa.


"Gagawa na rin ako ng love letter para kay Andrew, baka sakaling mapansin ako"

 
Nagkuyom ako ng kamao. Subukan nyo'ng banggitin ang pangalan ko, sasapakin ko kayo isa-isa.

 
"Oh my gosh speaking of Andrew. Diba sya yung nililigawan nya?"

 
"Nakikipag-flirt kay Andrew tapos nagsulat ng love letter kay Parzival? But look kung sino'ng kasama nya, Si Caleb. Si Conan na lang ang kulang"

A Bit Sweet (Coffee Flavor #2) ON-GOINGWhere stories live. Discover now