05

12 3 2
                                    

Tumingin ako sa salamin. Sinuot ko ang bikini na binigay sa akin ni Albie kanina. Maayos lang naman siya tingnan sa katawan ko kaso hindi naman ako sanay kaya agad kong sinuot ang short at pinatungan ng crochet.


"Are you Mira ba?" Napatingin ako sa dalawang babaeng kasama namin kanina sa van. Mga kaibigan ni Albie. Napangiwi ako sa paraan ng pagkakasalita niya, ang arte masyado. Hindi maka straight tagalog?


"Ah oo." Ngumiti ako. Ngumiti rin sa akin ang isang babae, ang isa nama'y tila sinu-survey ang buong katawan ko at pagkatao.  Ngumiti ako sa kaniya ng nagkita ang paningin namin.


"My god" Umalis siya at nag martsa palabas ng Cr. Feeling ko masisira ang lupang madadaanan ng babaeng yun. Galit ba iyon sa akin? Sumagot lang naman ako ah? Alangan naman itanggi kong hindi ako si Mira. Eh ako ng si Mira.


"Sorry for the Attitude. I'm Sofia by the way and thats Megan" Umiling nalang siya, siguro'y nadismaya rin sa ugaling ipanakita ni Megan. Kinuha ko ang kamay niya at ngumiti. Agad din naman kaming bumitaw sa kamayan. Hindi ako katulad ni Megan, si Sofia napaka demure tingnan, hindi makabasag pinggan.


"Okay lang." Tumango ako. Sabay na kaming lumabas sa Cr ni Sofia. Nandoon na sila sa pantalan sa harapan ng bangka. Kami nalang ata inaantay.


"That Andrew and Allen." Tinuro niya ang dalawang lalakeng halos kasing tangkad ni Albie. Nagtatawanan ang mga iyon at mukhang inaasar si Megan.


"Dating majorette ba si Megan? Tingnan mo padyak ng padyak." Umiiling ako, spoiled brat.


"Hahahaha omg that's funny" halos mangiyak ngiyak kakatawa. "Megan gonna kill me kung ikekwento ko to sa kaniya." Tumawa pa siya uli.


Nung nakahinga na siya ng maayos ay nagsalita na siya uli. "That's Ryle." Tinuro niya ang lalakeng katamtaman lang ang tangkad. "Ka fling ko." Umiling siya at hinawakan ang kamay ko. Hinayaan ko nalang siya.


Tumingin sa amin ang mga magbabarkada maliban kay Megan. Lumapit agad si Ryle kay Sofia at hinawakan sa bewang. Ngumiti sa akin si Miguel gumanti din ako ng ngiti.


"My mom gonna kill you talaga Migs." Sumigaw si Megan ng biglang gumalaw ang bangka. Napatakip nalang ako ng tenga sa tining ng boses niya.


Tumawa ang magbabarkada. Inalalayan siya ni Albie dahil ayaw niya magpaalalay kay Miguel o sa mga bangkero. Buti hindi na masyadong nag-inarte at tumahimik na. Mabuti naman.


Nakasakay na ang lahat kaya sumakay na rin ako. Inabot ni Albie ang kamay niya at agad ko itong tiningnan. Walang reaksyon ang mukha niya. Tinitigan ko pa iyon ng ilang segundo.


"Ikaw ba bangkero? Sideline ka dito?" Pangbabara ko sa kaniya. Tumawa ako ng bahagya. Pwede naman kasing bangkero ang tumulong sa akin. Itong si Megan lang naman ang nag iinarte.


"Kailangan ko bang maging bagkero para tulungan ka?" Sagot niya sa akin, tumaas ang mga kilay ko. Hindi ko inaasahan na ganun ang isasagot niya. Hindi ko pa rin inaabot ang kamay ko.


"Ma'am sige na po. Sabi po ni Sir siya raw po tutulong sa Girlfriend niya." Tumatawa pa ang bangkero at umiiling. Inabot ko nalang ang kamay ko sa kaniya kunwaring walang nangayri


"Hindi sila, Duh!" Sumigaw si Megan at tumawa ang lahat sa reaksyon niya. Tumabi ako sa tabi ni Albie dahil no choice na. Nasa harapan namin si Miguel nakikipagkwentuhan kay Allen at Andrew. Samantalang si Sofia nasa gitna ni Ryle at Megan.


"Girlfriend mo ako?" Panunukso kong tanong kay Albie. Tumingin lang siya sa akin at walang reaksyon. Kahit wala siyang reaksyon ay natatawa ako. Hindi ko alam kung bakit.


More Than this Provincial LifeWhere stories live. Discover now