06

13 0 0
                                    

"Hahaha. Im not going home. Who? Hahahaha fuck." Nilagok ni Miguel ang gin bilog sa harapan niya. Marami na siyang shots kaya ganyan na pananalita niya, hindi na maintindihan. Umiling ako sa kalagayan nila Miguel at Allen. Talagang lasing na sila at hindi na makausap ng maayos. Kaunting alak nalang ata ay tutumba na ang dawalang to. Si Andrew, Albie at Ryle naman nasa maayos, hindi naman sila uminom ng marami katulad ng dalawa.


Si ryle busy siya makipag usap Sophia, halos hindi sila naghihiwalay sa usapan nila. Pero minsan nakikisali rin sa kulitan at kwentuhan. Para ngang wala kami eh.



Si Andrew naman, siya ang tunay na gago sa inuman. Sinusolsolan niya sina Allen at Miguel na uminom pa ng uminom. Kaya ayon yung dalawa halos hindi na tao kausap. Si Albie naman tahimik lang katabi ko, nakikipagtawanan sa mga barkada niya. Minsan umiinom pero kadalasan nakikisabay lang siya sa tawanan. At syempre hindi mawawala ang tubig. Pwede na siyang maging endorser ng tubig eh. Paborito talaga ng tubig.


"Fuck alcohol." Napamura si Allen, pumikit pa siya matapos lagukin ang shot niya. Hindi ata nila alam na sila nalang nag iikotan ng baso ni Miguel.


Umiling ako at napatawa ng maliliit. Sabi nila hindi raw sila sanay sa ganitong alak, kadalasan daw mga branded ang iniimom nila kaya siguro iba ang amats. Hindi rin daw sila sanay sa ikot na inuman, kaya ayon mas lalo silang nahilo.


Naloko sila ng Gin bilog. Saan aabot ang 45 mo?


"What's this? Fuck this is horrible." Parang batang reklamo ni Miguel sa akin. Uminom ako ng orange juice na tinimpla namin ni Sophia kanina. Hindi naman kasi ako na-inom kaya wala akong tiwala sa alcohol tolerance ko. Baka dito pa ako magkalat. Nakakahiya.


"Ang tawag diyan Gin bilog tag 45 lang yan. Sulit amats diba?" Natatawa kong sabi sa kanila. Umiling lang si Albie at tumango naman si Allen at Miguel habang tumawa.


Umupo ako ng maayos at nag crossed arm. 11 pm na rin, late na late na. Kanina mga 8pm kami nakauwi galing sa Honda bay. Si Megan nga hindi na sumama sa amin, bad shot talaga siya sa akin. Nag hotel nalang siya malapit bayan, sa Legend Hotel ata.



"Wow." Natatawang sabi ni Sophia. Bahagya akon tumingin kay Albie, nakatingin din siya sa akin at hindi inaalis yun. Ako nalang ang umiwas sa tingin mamaya isipin niya tinitingnan ko rin siya. Kung ano pa masabi nito. May pagka-feeler pa naman ang isang to.


"Dapat diyan may pang banlaw." Suggestion ko. Naririnig ko kang yun kila Sir Allen dati pag nag iinoman sila sa loob ng bakod.


"Oy kapangalan mo pala si Sir Allen sa amin, Allen." Ngumiti lang siya ng abot langit at tinaas ang baso at agad nilagok ang alak. Pumait ang mukha niya at agad kong inabutan ng tubig. Halos hindi maipinta ang mukha niya. Para siyang sinasakal.



"Who's Sir Allen? Boyfriend mo?" Tanong sa akin ni Sophia. Agad nang asar si Miguel at Andrew. Yung may "Yieeeee".



Agad akong umiling.



"Boyfriend ako ni Mirabella?" Tanong ni Allen. Nakapatong nalang ang ulo niya sa balikat ni Ryle. Halos nakapikit na pero nagsasalita pa rin. Tinamaan na ng lintik.



"Not you." Sagot ni Albie. Ngumisi si Allen at umayos uli ng upo.


"Why dude? Are you jealous? Hihihi." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Tumayo siya at nilapit ang mukha sa akin. Kinurot ang pisngi ko at tumawa.


Lasing na talaga siya. Makulit na.


"Should i transfer here? I found this place interesting." Yun na ang huli niyang sinabi bago nakatulog.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

More Than this Provincial LifeWhere stories live. Discover now