TEMPTED

311 31 13
                                    

Para sa inyo tong chapter na ito. Thank you for voting☺️ Prexildome SalmorinYrene
  

     
Nang magising ako nagulat ako ng makita si mama na nakaupo sa aking harapan habang nanlilisik ang mga mata. May pasa ang kanyang braso habang namumula ang mukha. Anong nangyari sa kanya?

"Sinusuway mo na talaga ako Carlley. Ano na ba ang nangyayari sayo? Hindi ka naman dating ganyan!" Sigaw niya sa akin.

"Sorry po ma." Mahina kong bigkas at hindi kumibo.

"Sinasabi ko naman sayo na bahay at skwelahan lang ang pwede mong puntahan. Mahirap bang intindihin 'yon? Baka sa susunod na suwayin mo pa ako ay wala ka ng maabutan dito." Galit na nilisan ni mama ang aking kwarto.

Malalim akong nagbuntong hininga. Hindi ko rin alam kung bakit iba na ang inaasal ko ngayon, ang layo na sa dating ako. Hindi ko na sinusunod at nirerespeto si mama, ganun din ang ibang tao.

Nang pumasok ako sa skwelahan napansin ko na nagbubulong-bulungan ang mga studyante.

Anong mayroon? Ba't parang kakaiba ang araw na 'to?

"Swear! Grabi talaga yong nangyari kagabi sa party, parang namaligno! Super nakakatakot talaga"

Mabilis akong naglakad patungo sa classroom at kaunti lamang ang bilang ng mga studyante ang naabutan ko.

"Walang pasok ngayon." Salubong sa akin ng isa kong kaklase ng akma ko ng ilalagay ang bag ko sa upuan.

"Bakit?" Tanong ko.

"Kinancell, kasi maraming parents ang nagreklamo dahil sa kaguluhan na nangyari sa pool party kagabi. Halos lahat kasi ng studyante na umattend ay nasa hospital."

"Bakit anong kaguluhan ba?"

Nagkibit balikat siya. "Basta weird daw, para silang minulto. Ayaw ko ng magkwento, naninindig ang balahibo ko." Mas naging interesado ako na malaman ang nangyari. Kakaiba na ang nangyayari ngayon sa mundo, hindi na ito ordinaryo. Tingin ko may kung anong makapangyarihang nilalang ang nanghihimasok.
   
   
CRIMSON'S POV

"Hindi niyo pa rin siya nahahanap!" May diin na bigkas ko. "Uno!" Lumapit sa akin ang aking kanang kamay na lubos kong pinagkakatiwalaan, yumuko ito at nagbigay pungay. "Find his family and kill them." I firmly said. Ang usapan ay usapan! It would be more painful if he blame himself for the deaths of his love ones.

I've spent several years searching for that fucking girl.

"Masusunod panginoon" Uno responsed and walked out.

"Pakiusap!" The man with a medical attire kneel down and bowed his head to the floor. "Huwag mong idamay ang pamilya ko, ako na lang! Ako na lang ang patayin mo" Pagmamakaawa niya.

He begged with the wrong person. There's no space for mercy inside me.

"What a heart melting scene. This is what I hate about human, so....... dramatic." When I looked at Uno, hindi pa siya lubusang nakakalayo kaya muli ko siyang tinawag. "Uno, take their hearts, and give it to Dr. Robert as a present." I saw how the man infront of me cried out, my strength regain as I watch him suffered.

"Not my family please.........." He begged into my feet and honored me like a highness.

It's your failure who took their lives, not me. I lifted his face using my foot and intently gazed on his tremulous reaction.

What a life? You live today then die someday, that's the pattern at alam na ng lahat pero nagluluksa pa rin.

"Just mourn here. Take your time." I said then immediately disappeared.

The Demon's Possession - My Bestfriend's BrotherWhere stories live. Discover now