Naguguluhan

98 6 0
                                    

"Stasy. Long time no see." Napahakbang ako sa puwesto nila ng mabosesan ang nagsalita.

Yung lalaking pumunta dito noong nakaraan!

"Ahm. Kuya? Gwapo mo na lalo ah" sabi ni Tita para siguro mawala ang tensiyon.

"Diba sabi ko sayo huwag ka ng babalik dito?" Malamig na saad ni Mama sa lalaki. Agad naman napabaling ang tingin noong lalaki kay mama at dahan dahan namang lumipat sa akin ang tingin.

"Bre-am." Mababakas ang pangungulila aa paraan ng pagtawag niya sa akin.

"Nagpunta ka dito Kuya? Kailan?" Agad sumingit si Tita sa usapan at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. Hindi pa rin nasasagot ng lalaki ang tanong niya pero nagsalita ulit siya.

"Pasok ka, Kuya." Masiglang saad pa ni Tita, hindi pinapansin ang matalim na titig  ni Mama sakaniya.

"Salamat, Stasy." Tuluyan ng pumasok ang lalaki at inabot kay Tita ang dala dalang pagkain at may bulaklak pa.

Parang manliligaw lang.

Itinuro ni Tita ang upuan sa lalaki bago umalis para ilagay sa kusina ang pagkain. Kaming tatlo ang naiwan. Si Mama na nakatitig pa rin ng masama sa lalaki habang ang lalaki naman ay inililibot ang paningin sa bahay. Habang ako? Nakatitig lang sakanilang dalawa.

Naguguluhan.

Bakit parang galit na galit si Mama sa lalaki?

"Ano pa bang kailangan mo?" Binasag ni Mama ang katahimikan.

"Bumabawi ako, Charm." Mariing sambit ng lalaki.

"Hindi namin kai-"

"Sainyong dalawa ni Bre-am. Hayaan mo na ako."

Naputol ang sasabihin ni Mama ng mariing nagsalita ang lalaki. Tiningnan niya ako ng nakangiti pero mababakas ang lungkot sa mga mata niya.

"Bakit ngayon lang? Bakit hindi noon?" May hinanakit sa boses ni Mama.

"May ginawa ako Charm. Para sa kaligtasan niyo. Sana maintindihan mo rin ang rason ko." Hindi na tiningnan ng lalaki si Mama at iginala nalang ang paningin sa kabahayan.

"Bakit halos wala ka sa tabi ni Bre-am?" Nabalik ang tingin ko sakaniya ng tanungin niya si Mama.

Nakatingin ito sa mga litrato ko. Halos ako lang ang naroon,  samantalang si Tita naman ang kumukuha ng aking litrato kung kaya't ako lang mag isa sa litrato.

Hindi kailanman sumama si Mama sa kahit na anong okasiyon na dinaluhan ko, noong elementarya ako hanggang sa tumuntong ako ng High school.

"Ikaw sana yung sumama." Napatiim bagang ang lalaki dahil sa sagot ni Mama.

Napapitlag ako ng biglang tumingin ang lalaki sa direksiyon ko.

"Bre-am. Sorry." Nangilid ang luha niya matapos niyang sabihin yun.

Hindi ko alam kung anong reaksiyon ang ibibigay ko. Nasisiguro kong para akong ewan dahil sa pagngiti ko sakaniya.

Ano bang sasabihin ko?

Ok lang po yun.

O

Hindi nalang ako magsasalita?

"Ahm.." tanging naisagot ko nalang.

Ang tumatakbong tanong sa aking isipan ay Tatay ko ba siya?

Pero obvious naman na diba? Pangalan niya Bremour, pangalan ko Bream. Bumabawi raw siya sa amin ni Mama. Edi tatay ko na to.

"Ikaw po ba yung Tatay ko?" Parang lutang na tanong ko, habang nakatingin sa kaniya.
Nagulat siya pero kalaunan ay napangiti siya.

"Oo"

"Hindi"

Napakunot ang noo ko ng sabay silang sumagot ni Mama.

Gulong gulo ako.

Sinong paniniwalaan ko?

Katanungang Walang Kasagutan (COMPLETED)Where stories live. Discover now