Ampon

110 6 5
                                    

Hindi makapaniwalang tiningnan ng lalaki si Mama.

"Ano bang sinasabi mo, Charm?" Maririnig ang galit sa paraan ng pagtanong niya.

"Hindi ka niya Ama, Bremour." Naglakad na si Mama papunta sa tabi ko at tiningnan ulit ang lalaki.

"Charm. Alam kong galit ka sa akin. Pero huwag kang magsinungaling."

"Bakit nagpaka-ama ka ba kay Bream?" Matapang na tanong ni Mama.

"Nagpaka-ina ka rin ba kay Bream, Ate?" Napabaling ang tingin namin kay tita ng bigla itong nagsalita at naglakad papunta sa amin.

Naka awang ang labi ni Mama habang hindi inaalis ang tingin kay tita. Habang napatiim bagang naman ang lalaking inilipat ang tingin kay Mama.

"Ate, huwag kang manumbat. Dahil babalik at babalik sayo ang panunumbat mo." Dugtong pa ni Tita na seryosong nakatingin kay Mama.

Hindi nakasagot si Mama, unti unti siyang nagyuko ng ulo.

"Bream? Pwede bang sumama ka muna kay Stasy sa taas. May pag uusapan lang kami ng Mama mo." Nakangiti na siya habang nakatingin sa akin. Tinanguan niya si Tita na parang sinasabing magiging maayos Ang lahat.

Hinila na ako ni Tita papunta sa kwarto ko. Nanatili akong walang kibo, hindi alintana ang maya't mayang pagbubuntong hininga ni tita.

"Ako talaga siguro ang magsasabi sayo nito." Nilingon ko si tita, nakangiti siya pero mababakas ang lungkot sa kaniyang mata.

"Bream. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ni Ate ng sinabing hindi mo ama si Kuya Bremour, pero para malinawan ka. Siya ang Tatay mo."

Kahit alam ko na ang sagot ay nagulat pa rin ako.

"High School pa lang, magkasintahan na si Ate Charm at Kuya Bremour."

"Saksi ako kung paano naging masaya si Ate sa piling ni Kuya. Pero nagbago ang lahat ng yun ng mabuntis si Ate."

Nagkatinginan kami ni Tita.

"4th year College. Pero nakagraduate pa rin siyang hindi nahahalata ng mga kabatch niya. Nang malaman nina Nanay at Tatay, nagalit sila. Inatake si Tatay sanhi ng pagkastroke niya. Kaya dumoble ang galit noon ni Nanay kay Ate."

Nanubig ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Pero kalaunan ay napatawad ni Nanay si Ate. Alam mo yung sinabi ni Nanay kay ate? Walang magulang ang hindi matitiis ang anak. Nang tinanong ni Nanay kung sino ang nakabuntis kay Ate ay agad humagulgol si Ate, habang nakayakap kay Nanay."

"Tatlo kaming umiyak noon. Hindi ko nakayanan nilapitan ko sila at niyakap. Nasa 4th year na ko ng High School kaya naiintindihan ko si Ate. Nagsimulang nagkuwento si Ate tungkol sa nakabuntis sakaniya. Galit na galit ako noon sa lalaki, Bream. Dahil sa kaniya nahihirapan si Ate. Tuwing lalabas siya para magpa-araw ay bubungad agad ang samo't saring panghuhusga."

"Gustong gusto kong patayin si Kuya Bremour noon. Dahil sa hindi niya pinanagutan si Ate. Pero makalipas ang dalawang taon bumalik si Kuya. Binalikan niya kayo ni Ate."

"Kasabay ng pagbalik ni Kuya, ay namatay si Tatay. Hindi namin alam ang gagawin namin kay Nanay dahil iyak siya ng iyak. At alam mo bang tanging si Kuya Bremour lang ang nakakapakalma kay Nanay? siya rin ang nag-aasikaso sa lahat ng bisita."

"Halos hindi na siya umuuwi noon kahit anong pilit ni Ate na umalis na, siya rin ang nag-aalaga sayo kapag tulog na kami ni Ate. At dahil sa mga ginawa ni Kuya Bremour ay  unti unting nawala ang galit ni Ate."

"Inalok kami ni Kuya Bremour na tumira na sa Bahay niya. At agad pumayag si Ate dahil sa sitwasyon na rin ni Nanay."

"Masaya kayong pamilya. At masaya rin kami ni Nanay, akala ko walang katapusan ang kasiyahan pero mali ako. Dahil noong nahospital si Nanay dahil na rin sa katandaan, ay may sinabi siya sa akin na hindi ko matanggap tanggap. Nagalit ako. At hindi ko nagustuhan ito.

"Stasy, ang bunso ko, kahit na hindi ka totoong galing sa amin ay Mahal ka namin ng Tatay mo lagi mong tandaan yan ah? Huwag ka sanang magagalit sa amin. Mahal na mahal kita."

"Yan ang eksaktong sinabi sa akin ni Nanay. At alam mo yung masakit, Bream? Alam rin pala ni Ate."

Nagulat ako. Sinubukan kong magsalita pero walang lumalabas sa aking bibig kaya itinikom ko nalang ito.

Hindi ko maioproseso ang mga sinabi ni tita.

Tanging mga luha niya lang ang pinagtuunan ko ng pansin.

Ampon siya?

Tita..

Katanungang Walang Kasagutan (COMPLETED)Where stories live. Discover now