𝚒𝚔𝚊𝚝𝚕𝚘

48 12 0
                                    

JACK

Nasa ikatlong araw na ako ngayon. Hindi ko alam pero para talagang napakabilis ng oras.

Kahapon, nakipagkuwentuhan ako kay Alpha. We ate together. We watched movies together. We played board games together.

Palagi naming ginagawa 'yun kaya napagdesisyunan kong ayun muna ang gawin sa ikalawang araw. Namiss ko 'yung mga pinaggagagawa namin noon. Our bonding time.

Pero ngayon, I need to talk to him. Kailangan kong malaman kung ano ang problema niya para matulungan ko siya. I need to know kung ano ang mga dinadala niya at alam kong mahihirapan akong tuklasin iyon.

Si Alpha ang tipong sinasarili lahat ng problema niya. Hindi siya showy. Ayaw niyang pinapakita sa lahat ang kahinaan niya. That's why he got bullied noong mga bata pa lamang kami. Naawa ako sa kanya kaya kinaibigan ko siya. Hindi ko naman aakalain na magiging ganito kami kaclose sa isa't isa.

Nasa sala na kami ngayon. Magkaharap habang may isang bote sa harap namin na nakapatong sa lamesa.

We will play truth or dare. Ay no. Iniba ko. I made it truth or truth. Kailangan ko siyang mas makilala pa.

It started out well. Hangga't sa kumuha siya ng alak sa ref. Tumanggi ako noong una. Pero pinilit niya ako.

Ang sabi ko na lamang ay gawin itong consequence kung ayaw sagutin ang tanong. Pumayag naman siya.

Halos malasing na kami sa dami nang nainom namin. Parehas kaming hindi sanay sa ganito. It was now my turn to ask him for a truth.

"Alpha.." I called him. "Naisipan mo na bang magpakamatay?"

Silence.

Naging tahimik kami habang nakikipagtitigan sa isa't isa. Umaasa ako na sasagutin niya ang tanong ko para malaman ko kung suicidal nga ba siya pero mali ang inakala ko.

Kinuha niya ang basong naglalaman nang alak at diretsong tinungga ito.

Anong problema mo, Alpha?

Tenth of May | completedWhere stories live. Discover now