Chapter 3

470 37 14
                                    

Xeira

Pagkarating ko sa hardware hinanap ko na agad ang lightbulb na kailangan ko mabuti nalang hindi pa sila sirado. Medyo malapit lang naman ito sa apartment kaya walking distance lang.

"Ahm excuse me may small light bulb ba kayo?" tanong ko sa nakauniform na crew ng ACE Hardware. Tinapunan nya naman ako ng tingin saka ako nginitian ng marealize na isa akong customer. Mukha ba ako cashier? adik!

"Small light bulb po ba ma'am? mayroon po doon sa number 9" - Nagpasalamat muna ako kay kuya saka ako nagtungo sa number 9 na corner. Mukhang ito ang last number ng mga shelves. Pagkarating ko doon andaming mga lightbulb na nakahilira sa mga shelves. Shet! anong pipiliin ko? hindi ko pa naman alam ang tamang bombilya na compatible sa project ko.

Wala pa akong matanungan since ito na yung dulo mukhang madalang pumunta ang mga saleslady dito.

Isa-isa kong tinignan ang mga lightbulb hanggang sa may kumalabit sa akin muntik ko na nga mabitawan yung hawak kong bombilya sa gulat. Mabuti nalang talaga hindi natuluyan. Agad kong hinarap ang pesteng kumalabit sa akin, napakunot ang noo ko ng makilala kung sino ang nasa harapan ko.

"Sinusundan mo ba ako?" nakataas na kilay kong tanong.

"I'm not" kalmado nyang sagot, nakacrossed arms ko syang tinaasan ng kilay. Wag nya akong gagawin tanga. Halata naman sakanya na sinusundan nya ako baka mamaya may hidden agenda na pala 'to. O baka crush ako? Asa pa syang papatulan ko. Of all people pa kasi na makikita ko sa hardware na 'to sya pa? napaka-impossible naman ata 'nun.

"Bakit moko kinalabit?" seryosong tanong ko sakanya na animo'y hinuhuli sya sa mga salitang lalabas sa bibig nya.

"Paharang harang ka eh. Look, I'm finding for my brake's lightbulb. I'm not interested in you" napaawang ang labi ko sa sinabi nya. Arrgh! nakakainis talaga itong lalaking to. Itinulak nya ako kaunti para makuha yung box ng lightbulb na nasa harapan ko.

Kumukulo talaga ang dugo ko. Unting-unti na lang mauubos na ang pasensya ko sa lalaking 'to!

"Seriously!"

"What?" maang-mangan pa kala mo naman pogi, I swear! hinding hindi kana makapagbasketball pagbinayagan kitang hayop ka tutal bangko lang din naman ganap mo.

"Don't curse me in your mind" tinaasan ko lang sya ng kilay pero nginitian nya lang ako. Ang creepy ng smile nya ah parang ngiti ni chucky.

"You must finding for a lightbulb. Anyway, anong watts ang hanap mo?"  tumingin-tingin pa sya sa mga bombilya na naka-display sa shelves habang tinatanong ako. Napansin nya ata ang pagtahimik ko kaya humarap sya sakin uli.

Ghad! Ano ba ang watts? Anak ba 'yun ni George Wattshington?

"Anong watts? Kilowatts? Watts me wepp watts me neney" tinawanan nya lang ako saka umiling. Ano ba kasi ang watts nakakainis naman 'to. Di kaya wattson, pinaikli lang?

"Computer Engineering ka pa naman tapos simpleng watts di mo alam"

"Teka—paano mo nalaman?" seryoso kong tanong sakanya baka mamaya iniistalk nya ako. OMG! baka stalker ko 'to

"Your shirt say it all" napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Tinignan ko naman ang suot-suot ko na Tshirt. Oo nga, nakalimutan ko suot ko pala ang organization shirt ng Computer Engineering.

"Asshuming" umiiling na sabi nya saka iniabot sakin ang isang lightbulb na katulad ng hawak-hawak nya. Hinawakan ko lang iyon at tinitigan what I'm going to do with this sh*t?

"Second year pa kaya ako anong alam ko sa electronics"- inirapan ko lang sya saka naglakad na papunta sa counter napansin ko ang pagsunod nya sa akin pero hinayaan ko lang baka sabihin nag-aassume uli ako.

Dream College Series #1: The Stars after the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon