Kabanata 2

25.8K 497 15
                                    

---------------------------

I AM so exhausted! Sobrang daming tao ngayon. Sumakit yung mga paa ko at kamay ko.


Buti nalang at wala akong trabaho mamaya. Rest day ako mamaya. Tumingin ako kay Cecil at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. "Nakakapagod ngayon ang araw na ito." Bulong ko sa kanya.




"Sinabi mo pa." Pagsang-ayon nito saakin. I closed my eyes para naman mapahinga ko kahit ilang minuto yung mga mata ko. Alas-quatro na ng umaga at magsasara na ang bar.




The bar is open from 7pm to 4am lang. Pero araw araw itong nakabukas. May shifting na nangyayari kapag nagsisimula ka palang bilang waitress. Pero kapag naging regular kana, sagaran ang trabaho pero mas mataas na ang sweldo.




Ang isa pang maganda dito ay walang strippers ang bar na ito. Madalas ay mga kalalakihang nasa edad 18-25 years old ang pumupunta dito.




Pure party lang and have fun ang peg ng bar na ito. Pero syempre may makikita kang manyak sa tabi tabi na akala mo naman ay hindi pa nakakakita ng babae sa buong buhay nila.




Naramdaman ko ang pagiging tahimik ni Cecil pero hinayaan ko siya. Until we heard someone clearing his throat. Napamulagat agad ako umupo ng maayos.




"Sir!" Sabay na sabi namin ni Cecil at yumuko ng kaunti.




"Good job for today. This will be your new uniform. Start wearing them tonight. " Aniya at binigay ang paperbag saamin. Tinignan namin ang loob ng paper bag at tumingin sa bagong boss namin.





"Mag-ingat kayo sa pag-uwi." He said and glanced at me before leaving.






Kinuha ko ang bagong uniform na sinasabi ni Sir. Caesar at tinignan. White longsleeve polo na mukhang hindi fitted at skirt na mahaba ng konti compared sa suot namin ngayon. Above the knee parin pero mahaba ng konti. Hindi na litaw yung mga kaluluwa namin dito.





"Ang gwapo ni sir. Sayang at may jowa ako. Kung sigurong wala akong jowa baka nilandi ko na siya." And laughed. Ang landing tumawa ng babaeng ito. Naku! Naku! Naku!




Mabuti nalang at humaba na yung skirt namin. Hindi na ako mahihirapang maglakad niya.





Pero may napapansin talaga ako tungkol sa bagong boss namin. Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin or assuming lang ako.




Why does he keep on staring at me?


-----------------


Pagkagising na pagkagising ko, nakita ko agad ang dalawa kapatid ko.




"Ate!" Sabay na sabi nila. Pagkauwi ko galing trabaho ay bagsak na ang katawan ko.



My two little sisters, Miles and Mireya. Miles is 6 years old and Mireya is 8 years old. Habang ako ay 23 years old.



Halos ako na ang tumayong ina sa dalawang ito dahil ako ang gumagastos ng pangangailan nila.




"Hindi ka pupuntang trabaho ngayon, ate?" Miles asked at yumakap saakin. I smile at her at umiling.




"Yehey! Yehey! Yehey! Let's play ate!" Masayang sabi ni Miles at hinila ang kamay ko patayo. Tumayo na ako at pumuntang banyo para maghilamos.





Agad na hinila ako ni Miles sa likod bahay dahil may duyan dun. Binuhat ko si Miles at inupo sa duyan atsaka ako tumabi sa kanya.





Yumakap naman ito saakin habang  tinutulak ko ang duyan. She was enjoying this moment na ikinatuwa ko. Dumating din si Mireya at umupo sa tabi ko. Inakbayan ko silang dalawa.




"Ate, okay ka lang ba sa trabaho mo?" Tanong ni Mireya at tumingin saakin. Nginitian ko siya at tumango.




"Okay naman ang trabaho ni Ate. Basta dapat mag-aral kayo ng mabuti para ganahan si Ate na magtrabaho." Tumango naman sila at niyakap ako.




Nanatili kami sa ganuong pwesto hanggang dumating si Lola at inaaya kaming kumain ng lunch. Inalalayan ko ang dalawa kong kapatid sa pagbaba at hinawakan ang kamay nila para sabay kaming maglakad.




Lumapit ako kay Lola ay binigay ang kalahati ng sweldo ko para sa buwan na ito. "Lola, sabihin niyo po saakin kung may kailangan ang mga kapatid ko. Ako nalang po ang bahalang gumastos. Yan po yung bayad po namin sa pananatili dito." Nakangiting sabi ko sa kanya.




"Ang dami naman nito? Paano yung mga pangangailangan niyo?" Nag-aalalang tanong niya. Around 10,000 ang binigay ko sa kanya dahil siya ang nagpapakain sa nga kapatid ko.




"Okay lang po, Lola. Tanggapin niyo na po yan. May panggastos pa naman kami." Sagot ko sa kanya.




Ngayon ay kailangan kong pag-ipunin yung para sa pag-aaral nila. Malapit na ang pasukan at kailangan ko silang ibili ng gamit.




Pagkatapos naming maglunch, aalis kami ng mga bata. Balak ko silang ipasyal sa mall para naman maging masaya ang mga ito.





"Pwede ba tayong kumain sa Jollibee, Ate?" Miles asked habang papasok kami sa kwarto naming tatlo para magayos na.






"Oo syempre." Nakangiting sagot ko sa kanya at sinuklay ang buhok niya. I braid her hair. Naglagay ako ng ribbon sa dulot ng braid.





Pagkapasok namin sa mall, excited ang dalawa dahil ang tagal na simula noong nagmall kami. I was busy making money at nakalimutan kong ipasyal ang mga kapatid ko.





"Gusto niyo bang bumili ng new toys niyo?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Tumango si Miles pero si Mireya ay umiling.






Binilj ko yung nga gusto nila at kumain sa Jollibee dahil yun ang request nila. Nanood din kami sa sine. We played some games sa arcade, did some selfies at nilibot ang buong mall.





Nang makaramdam na sila ng pagod saka na kami umuwi. Binili din namin ng pasubong si Lola at kay Tiya.





Pagkauwi namin ay knock out na yung dalawa. They really enjoyed it. And I am happy to see them happy.




Kahit paano ay napupunan ko yung mga ginagawa ng magulang namin sa kanila.

----------------------------

BS#5: The Billionaire's Favorite Woman -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon