Chapter 28

295 16 0
                                    


Pumasok ako sa Unibersidad, masyado akong maaga para sa unang subject kaya tumambay muna ako sa canteen. Sinabayan naman ako no Zerv at Xaiyah, nagtanong pa sila kung saan daw ako kahapon.

Pagkatapos non ay pumunta agad kami sa room.

Dumating ang lunch time at agad akong pumunta sa cafeteria at kumain, tiningnan ko naman ang lokasyon ni Web at nasa cafeteria  na din ito pero di ko alam kung saan siya umupo.

Last subject na sa hapon at dismissal na kaya kinuha ko ang bag ko at lumabas sa room. Mabilis naman akong naglakad at nagulat nalang ako dahil may humawak sa kamay ko at sinabayan ako sa paglakad.

Nagtilian naman ang mga studyanteng nakakita na para bang nasa isang nakakakilig na eksena.

Nag angat ako ng tingin at ang seryosong mukha ni Web ang nakita ko, hindi siya nakatingin sakin. Bumaba naman ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sakin at lihim naman akong napangiti.

Nangunguna na siya sa paglakad sakin at pansin ko ang bawat tingin ng mga studyante sa amin at sa magkahawak naming kamay. Dumiretso kami sa parking lot at imbes na sumakay sa kotse ko, sa kotse niya ako pinasakay. May tinawagan lang siyang tao para ipakuha ang sasakyan ko.

Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Magkahawak parin ang kamay namin at bahagya niya pa yong pinisil kaya napatingin ako sa kanya at napatitig.

Seryoso lang siya kaya napangiti ako. Alam kong mali ang ginagawa namin, pero alam kong hindi din kami magtatagal na ganito. Alam kong magigising din kami na hindi na namin to magagawa pa kaya mas sinusulit ko ngayon na ganito pa kami, na wala pang ibang taong nakakaalam.

"Why are you staring?" he asked and look at me.

"Wala lang." bahagya pa akong yumuko at tumingin ulit sa kanya. Nakabalik na ang tingin nito sa daan.

I heared him chuckle.

"Bakit tayo nandito?" I asked as my feet feel the sand.

"I just want to be here," hinawakan niya ang kamay ko kaya umangat ang ulo ko at tumingin sa kanya. "With you."

"Kahapon nga lang tayo nakauwi galing sa beach eh." pang-aasar ko kaya tinaasan niya ako ng kilay.

"With you nga diba? Psh." iniwas niya ang tingin sakin at sabay kaming naglakad sa buhanginan.

Nililipad ang may kahabaan kong buhok at panay ang pikit ko habang nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin at ang paghampas ng alon sa mga bato.

Magkahawak kamay parin kami at ramdam na ramdam ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Sinandal ko ang ulo ko sa braso niya kaya napahinto kami sa paglakad. Nangunot ang noo ko at nag angat ng mukha para tingnan siya.

"Why?" I asked, instead of answering my question he just kiss my forehead. Napayuko naman ako at isinandal ulit ang ulo sa braso niya.

Patuloy kaming naglakad, maliliit lang na hakbang ang ginagawa namin na para bang ninamnam ang bawat sandaling kami lang dalawa.

"Let's take a picture." aya niya sakin,  kaya nag angat ulit ako ng tingin. Meron pala siyang dala-dalang camera na nakasabit lang sa leeg niya.

Gusto niyang kunan muna ako ng picture kaya pumwesto ako at nag pose. Panay naman ang tawa ko at sa tingin  ko ay mas marami ang mga stolen shots ko.

"You're beautiful." komento niya habang nakatingin kami sa mga kuha ko na nasa camera.

"I know right." pabirong sabi ko.

Protecting the PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon