Chapter 11- Horror Movie

49 21 0
                                    

"Ako na nga lang maghuhugas"-Chanyeol

"Hindi nga Chanyeol paglalaruan mo lang yung tubig e"-ako isip bata pa naman to

"Oo nga Chanyeol ako nalang maghuhugas"-Chen tss sipsip para dun ko ulit sya patulugin sa kwarto ko..

Ano sya chix para hindi ko malaman ang mga plano nya? Ewan!

"Hindi na nga.. ako nalang maghuhugas"-ako kaso dinukdok din nila yung mga kamay nila, pag hawak ko sa plato..

"Ugh!"-ako kaya tatawa tawang lumapit sila Suho pati na yung iba para ilagay yung pinagkainan nila..

"Ngayon lang ako nakakita ng ganito ah.. Kayo pa talaga nagiinsist na maghugas"-Suho

"Hahaha may kailangan ata"-Lay

"Tss.. Gusto ko lang naman matapos agad tong hugasan nato para makapag laro na kami e"-Chanyeol at sabay sabay kaming napa nganga sa sinabi nya -_- As in duhh?

"Joke lang yon syempre.. concern lang naman ako kasi nga~" hayst okay gets ko na..

"Sige na.. tayong tatlo nalang maghuhugas"-ako

"Tutulong narin ako"-Kai "Ako din.."-D.O pero pinigilan ko sya..

"Ikaw nagluto diba? Hindi pwede.. mapapasma ka"-ako at nag pout naman sya..

"Nako Ayu, tara manood nalang tayo ng T.V.. hayaan mo na silang maghugas dyan hahaha"-Tao tapos hinila na ako pa sala.. Si Lay lumapit din at inabutan ako ng pang punas sa kamay..

"Hayaan mo na kami.. ganito lang talaga kami maglambibg lalo't member ka na ng pamilya namin"- bulong nya kaya hindi ko maiwasang mapangiti..

Binobola ba ako nitong isang to?
Pero ewan, parang totoo naman na naglalambing sila kasi.. ang babait nila sakin ngayon kaiyak

"Anong gusto mong panoorin Ayu? Comedy? Romance? Action? Ano?"-Tao saka binigay sakin yung mga CD na pagpipilian..

"Hmm.."-ako pero sumingit sa harapan ko si Xiumin..

"Walang horror?"-Xiumin na nangungulangot pa nga

"Eww!"-kami lahat at tumawa lang sya

*PAK*

Tumama kay Xiumin yung binatong hand sanitizer ni Tao..

"Wag ka nga! Kasama ka ba sa magde-decide kung anong papanoorin? Hindi ka belong oy!"-Tao na napaghahalataan..

"Takot ka lang sa multo e"-asar ni Xiumin at naghabulan na sila don

Natawa nalang kami ni D.O at magplay na nga ng horror movie.. Yung title 'Devil Inside'

"Wooh!!"-Sehun na nagtatalukbong na kaya hinigit ko yung kumot nya para umayos sya.. Magkatabi kasi kami kaya kita ko sya.. Nakiupo narin sila Chanyeol pagkatapos maghugas..

"Ayoko na manood Ayu.. Nakakatakot naman kasi yan e"-Sehun kaya pinitik ko sya sa noo..

"Wala pa nga e.. wag ka nga!" kakabukas pa nga lang nung T.V nag tatalukbong na sya..

"E bakit si Tao o! Tulog na!"-sya kaya hinanap ko naman kung nasaan si Tao.. tulog na nga katabi si D.O  na tutok na tutok sa palabas..

Tinignan ko silang lahat isa-isa.. Lahat halos nakatalukbong, matakot kaya sila kapag sinabi ko na sakanila ang totoo? Hayst

Pumunta si Chen sa paanan ko at nanood na parang hindi sya nakasandal sa binti ko.. Sinipa ko sya..

"Hoy! Mangangalay ako wag ka sakin sumandal.."-ako

"Mamaya makatulog ka pa dyan e"-dagdag ko pa nagkamot lang sya

"Yun nga gusto ko e.. Para pagnakatulog ako no choice ka na hahaha ano?"-Chen kaya inangat ko nalang yung binti ko sa sofa

Nakalimutan kong katabi ko nga pala si Sehun at Suho., kaya magkakadikit na yung legs namin ngayon..

Okay awkward -_- Aish! Dahil no choice binaba ko ulit yung binti ko kaya etong baluga nato ngiting ngiti..

"Wag kang matulog Hindi kita bubuhatin.. bahala ka magisa dito"-ako pero nag shrug lang sya.. baliw talaga hahaha.

Nagpatuloy lang sila sa panonood pero ako hindi na.. Dahil kasi nanonood kami ng horror nakapatay lahat ng ilaw.. Tapos--

"Kapapatay ko lang ng ilaw dun sa kusina buhay na naman?"-Chanyeol kaya napatingin kami sakanya lahat, kahit si Tao biglang nagising..

Napansin nya rin pala yon..

"Baka binuksan ni Chen! Alam mo naman troll king yan.."-Tao at napatingin kami kay Chen..

"Natatakot na nga ako tatakutin ko pa sarili ko lalo? Wag nga kayong ano dyan! Hindi ako yun, swear!"-Chen at parang naconvince nalang sila Suho kahit ayaw maniwala..

Pinatay nalang ulit ni Chanyeol yung ilaw ulit which is nakita naming lahat.. Kaya pagbukas ulit nung ilaw, nagsigawan na talaga kami..

"Wahh!! Bumukas ulit yung ilaw magisa!!"-Tao

"Nakita nyo naman diba? Pinatay ni Chanyeol yung ilaw tapos--"-Baekhyun

"WAHH!!"-kami tapos nagkanya kayang dikit sa isa't-isa.. Potek! Hindi ko alam kung matatakot ba ako o ano..

Nakakatakot kasi nagparamdam na naman sya.  Pero nakakatuwa din kasi may karamay nako sa wakas huhu T_T

About Last Night ✔ [COMPLETED]Where stories live. Discover now