Chapter 8

953 30 0
                                    

VIII






Pagsakay pa lang ng sasakyan ay bumagsak na ang luha niya. Hindi niya na napigilan ang sariling damdamin na matagal niya ng ibinaon sa limot.

Yeah, love at first sight is real. Dahil pagkatapos niyang titigan ang maamong mukha nito habang nakadapa nuon sa kama ay naramdaman na ni Bridgette ang sinasabi nilang pagmamahal.

Akala niya makakalimutan niya ang damdaming iyon pero hindi.

Dali-dali siyang bumaba at nagtungo sa sariling kwarto at saka nagbihis.

Pumasok siya sa silid ng kanyang anak, nakita niya nakatabi sa kanya si Trisha. Marahan niya itong tinapik upang ipaalam na nakauwi na siya.

"Go to your bed now, ako na ang tatabi sa kanya."

Humikab ito at bumangon at naglakad na palabas ng silid.

Hinaplos niya ang mukha ng anak niya, at ang pesteng luha ay tumulo nanaman.

Ngayon nasagot na ang tanong niya, kung bakit hindi niya ito kamukha. Dahil kamukha ito ng Ama nito.

Napahikbi siya, paano kapag nalaman nito ang tungkol sa anak niya at kuhanin sa kanya ito? Ano ang gagawin niya?

Napahikbi siya sa isiping iyon. Marahil ay kapag nalaman nito ay agawin sa kany si Zion.

Hindi niya iyo hahayaang mangyari, humiga siya at niyakap ang anak niya.

Hindi niya hahayaang mawala pa sa kanya ang anak niya.

↭♥↭

NAIWANG nakatulala si Jake pagkatapos na umalis ni Bridgette.

Hindi niya alam kung bakit nalang ganun ang reaksyon nito at pilit na itinatangging kilala niya ito.

Nasaktan ang ego niya, for Pete's sake! Ang daming babaeng naghahabol na maging karelasyon siya o ni ma-link man lang sa kanya. Tapos eto, sa ipang taon na lumipas ay natagpuan niya ulit ang babaeng kay tagal niya hinahanap.

Ang babaeng nagpagulo sa kanyang damdamin at isipan, ang dahilan kung bakit tila siya naguluhan sa damdamin niya para kay Alliyah. It was because of her. Kailangan niya lang malinawan.

Kailangan niya lang itanong kung bakit umalis ito agad nang gabing iyon pagkatapos nitong isuko ang virginity sa kanya.

Naihilamos niya ang kanyang kamay at napasuntok sa punong sinandalan kanina ni Bridgette.


Bakit ba ganito ang nararamdaman niya?

Shit!

Inayos niya na ang tayo niya at ikinuyom ang kanyang kamao. Ito pa lang ang babaeng tumalikod at hindi namansin sa kanya bukod syempre kay Alliyah.

↭♥↭


NAKATINGIN  sa malayo si Jake habang humihigip ng kape. Naroon siya sa veranda ng kanyang suit. Alas singko pa lang ng umaga pero gising na gising na siya o mas tamang sabihin na kung nakatulog nga ba siya.

Ito pa lang ang unang beses na hindi siya nakatulog dahil lang sa isang babae.

At yun ang labis na ikapinagtataka niya.

Gusto niya itong habulin kagabi pero natuod siya, ni hindi niya maihakbang ang mga paa niya upang sundan ito.

May nag-iisang tanong sa isip niya ngayon.

Bakit?

Bakit oarang takot na takot siya, bakit parang pilit niya akong itinataboy sa hindi ko malaman na dahilan.

Hindi kaya may itinatago siya?

Ipinilig niya ang kanyang ulo. Ano naman sana ang itatago nito sa kanya e ni hindi pa nga sila pormal na nagkakakilala, natinig niya lang ang pangalan nito sa emcee nang gabing iyon.

Ibinaba niya ang kape sa lamesa at nagpakawala ng isang buntung-hininga. Pinagmasdan niya ang pasikat ng araw.

Panibaging araw na naman.

Napapikit siya.

E kung umuwi na kaya ako? Total naman wala lang din mapuntahan dito at magkulong na lang ako sa bahay ko.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at nagtungo sa banyo.

Hindi naman pwedeng magmukmok nalang siya roon.

Kailangan niyang magrelax.

Naghubad siya at dinama ang malamig na agos ng tubig at napapikit.

Napangisi siya sa isang tila nagpop-up sa utak niya na pwede niyang gawin, ang mag bar.

TINUTUYO niya na ang kanyang buhok at nakasuot na ng faded jeans ng mapadaan siya sa harap ng kanyang laptop.

Napakunot ang noo niya ng naka open ang chrome.

Pero tila parang may nagtulak sa kanya na maupo sa harap nun at nagtype ng pangalan.

Bridgette Tunner.

Pero walang lumabas na ganon, kundi Bridgette Tunner-Singson.

Pinindot niya ang isa sa mga iyon, at unti-unting nagbasa. Tila na-curious siya bigla.

Unang nag-pop up doon ang picture ni Bridgette, smiling pero bakas na pilit lamang iyon. Sa tabi nito ay isang lalaki na kilalang-kilala niya.

Damn!

Ini-scroll niya pa pababa at tila sasabog siya sa mga nababasa niya ngayon.

Bridgette Tunner is a model and who is married now to a business tycoon, Mr. Philip Singson. They are one of the most famous couple, because they are really perfect together. But, one day these couple got divorced. And Mr. Singson married again a girl name Alliyah Madrigal.

Hindi niya na itinuloy ang pagbabasa at itiniklop na ang kanyang laptop.

So, ito pala ang kwento?

Ito pala ang nangyari.

Naikuyom niya ang kanyang kamao at unti-unting nagtaas baba ang kanyang dibdib dahil sa galit.

Bakit napaka-komplikado naman yata ng lahat?

Bakit si Bridgette pa?

Bakit?

Naihilamos niya ang kanyang kamay.

Kailangan niyang malinawan.

Tumayo siya at nagbihis.

Kailangan ko siyang makausap.

Deceiving Wife |R-18| COMPLETEDWhere stories live. Discover now