Chapter 1

360 8 1
                                    

Maddie's POV

Alarm ringing!

"Ahhhh... 5 minutes more please.. ngayon lang.." I said in a sleepy voice.

At ayun tuluyan ko na ngang natulugan ng hindi lang 5 minutes but t'was 30 minutes, more than I asked for. nagising ako nung kinakatok na ni mama ang pinto ng kwarto ko na parang anytime masisira nya na sa lakas, may kasama pang sigaw.

"Anak! Gising na hoi.. anu pa bang ginagawa mo.. malalate kana.." sabi ni mama.

"Oh shit! Anung oras na?..  whaat?? 7:00 am na??" nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang oras sa alarm clock, agad naman akong na pa facepalm at napatalon sa kama ko, tumatakbo ako sa banyo ng sumisigaw kay mama na gising na ako.

"Ang tanga tanga mo!! Bat ngayon pa?" kausap ang sarili ko habang naliligo, malakas ang kabog ng dibdib ko at maluha luha na ako, paano ba naman kasi ito ang First day ng internship ko as a physician. Yes, Doctor na ako after 3 takes ng board exam, finally natupad ko na rin ang isa sa mga pangarap ko pero mukhang masisira ko pa ata dahil sa malamang sa malamang malalate ako.

"Ma, alis na ako, pag dasal nyo ako parang awa nyo na." sambit ko habang tumatakbo palabas at pasakay sa tangerine orange wigo car ko.

"Anak, hindi ka nag breakfast.. Oh, sige na mag iingat ka, Good luck anak!" rinig kong sigaw ni mama habang papalayo ang sasakyan ko, nasa pinto sya ng bahay at kumakaway pa. I'm sure excited din si mama for me, kung pwede nya akong ihatid sa Hospital na pagtatrabahuaan ko baka ginawa nya na. Proud mom eh.

Nakarating ako sa hospital at agad nag park, buti nlang at may vacant slot. Mabait pa rin si Lord sa akin. Pero late na ako ng 10 minutes. Agad naman akong bumaba, kinuha ko ang aking bag and white coat/smock gown, isinuot ko ito sabay hinga ng malalim, tiningnan ko ang Hospital Building PARAS MEDICAL CENTER (imagination lang po.) It is actually one of the biggest and prestige hospital known here in our country, with at least 600 bed capacity and different specialty plus a state-of-the-art treatment technology, no doubt kung bakit sikat and well known ang hospital na ito, ang swerte ko at natanggap ako dito. Kinakabahan akong naglalakad papasok sa Hospital lobby hanggang sa marating ko ang medical admin office agad naman akong pinansin ng medical secretary at sinamahan ako papuntang ER/Emergency room, naandun na daw kasi lahat ng mga new intern Doctors na makakasama ko for this rotation at makikilala narin namin ang clinical preceptor na mag.susupervise sa amin sa buong rotation.

"Shit! mukhang sa ER pa ata ang first exposure ko as intern." I whispered to myself as I try to calm down, late na nga, sa weakest area ko pa ata ako mapupunta. paano ako neto. Sigh Hey! don't get me wrong, I love ER madami kang ma tututunan at mabilis ang oras pero naman pinagpala ata ako sa compassion, feeling ko kasi I can feel my patients suffering. Oo na, mababaw ang luha ko at medyo mahina ang loob ko, kaya ganun nalang ka proud si mama nang ma.survive ko ang med. school.

Not so long ago ay nakarating na rin kami sa ER, ang busy ng area, ang laki kasi, nasa center ang nurses station na pabilog, so basically makikita mo lahat ng area sa ER, open ito at curtain lang ang namamagitan sa bawat bed, naka separate naman ang surgery and CPR area, may sarili silang room na maliit with complete equipment. 

"Doc you can join them there" sabi ng medical secretary na tinuturo and small group of people in circle. namulat naman ako bigla sa pagmamasid ko nang marinig ko ang sinabi nya. sabay hawak sa dibdib ko, ang lakas kasi ng kabog.

"A-hh.. sige thank you po" nauutal kong tugon sakanya. Sabay hinga ng malalim ay naglakad ako papunta sa grupo na yun na hindi na man kalayuan. nasa 4 people in white coat ang nakapalibot duon, mukhang sila na nga ang makakasama ko. I cleared my throat to gain their attention before I started speaking.

"Hi, good morning, is this the group of intern batch 10?" I said on my low tone sweet voice, with a cute smile, trying not to annoy them, they all looked at me and some nodded as response. then I heard a voice.

"You're late, you know how unprofessional it is for a newbie Doctor on the first day of internship, right? Doctor?" said by a not so young lady probably in mid 30's on a purple scrub suit and a green crocs slippers  na parang may insomnia dahil sa no-sleep-look nya. I bet this is our clinical preceptor. nanlaki naman ang mata ko at napaharap sa kanya then I bowed my head in shame bago nagsalita.

"Ah.. sorry ma'am Im late, Ah.. Doctor Madayag po, I'm Madelaine Madayag po." sambit ko habang dahan dahang tumingin sa kanya. she just look at me with a poker face.

"It's Okay, you're not that late, I 'am actually expecting 6 interns but apparently I only have 5 here, so most probably may late pa than you." she replied with a calm voice, na medyo madiin ang huling words sabay tingin sa akin. Shit! mukhang first impression last si ma'am, pero buti nalang at hindi ako ang pinaka late sa aming lahat, so hindi ako nag.iisa.

After a few seconds ay may napansin kaming humaharorot ng takbo papunta sa circle namin, hinihingal sya na naka white coat din, so malamang ito na si intern number 6, late eh. Nang makahinto sya ay napahawak ito sa kanyang dalawang tuhod habang nakayuko, halatang malayo ang tinakbo at pagkatapos ay huminga ng malalim, na parang kinuha ang lahat ng oxygen sa ER saka nag salita.

"I'm so sorry, I'm late, my name is Beatriz De Leon, I'm an intern for batch 10." hingal na sambit neto. sabay tingin sa preceptor namin.

"Oh my God! Bea??" gulat kong bigkas na pasigaw na sabay turo sa kanya. Nanlaki ang kaninang cute kong mga mata at napanganga pa ata ako sa gulat.

"Ikaw? Maddie?" sambit nya na nakaturo din sa akin at gulat na gulat, parehong nanlaki ang mga mata namin na bigla naman napalitan ng fierce look sa isa't isa.

Someone you LovedWhere stories live. Discover now