Nagugulumihanan

267 1 0
                                    

Takbo ng utak ay hindi na maintindihan,
Gabi gabi na lamang ay nahihirapan.
Negatibo ang nilalaman ng isipan,
Kasabay ang pagsapit ng kadiliman.

Wala namang kaaway,
Ngunit ako'y nagagalit.
Hindi makapagnilay,
Sawa na magkunwaring mabait.

Huminto sa pag aalaga ng pekeng imahe,
Dahilan para ako'y kanilang iwan sa ere.
Totoong ako ay hindi nila matanggap.
Ayaw nila ang totoong ikaw, gusto ka nila magpanggap.

Naguguluhan kung saan ako lulugar,
Sa sarili ako'y lubusang naaasar.
Maski sarili ay hindi magawang mahalin,
Atat na atat na ang sarili ko'y aking tapusin.

Tingin ng iba sakin ay nag iinarte,
Nakikita nila ako bilang isang baliw.
Ginugunita lang kung sa mundo nga ba'y merong parte,
Sa apat na sulok ng kwarto ako'y inaagiw.

Nakakulong sa sariling pananaw,
Tigang, sa pag iintindi ay uhaw.
Tahimik na nakikipagsagupaan habang nasa upuan,
Sagupaan na sarili lang naman din ang aking kalaban.

Spoken Words PoetryWhere stories live. Discover now