Tangis ni Prudencia

224 2 0
                                    

Humihingi ng tulong,
Dahil ako'y nakakulong.
Nahulog sa kanyang patibong,
Madilim na katotohanan ay ibinulong.

Pagkatao'y tinapakan,
Ginamit at niyurakan.
Iniwan sa lansangan,
Nang mataniman ay tinakbuhan.

Pinuno ng puting likido,
Habang dilat ang mata ko.
Natunghayan ang nangyari,
Ngunit hindi nagawang ipagtanggol ang sarili.

Walang magawa kundi ang tumangis,
Pagiging malinis ay nilagyan niya ng wakas.
Binahiran ng dumi ang kutis,
Pinabayaan ako ng nasa itaas.

Nag iba ang isip dahil sa troma,
Pilit nilang pinapagaling kalagayan ko.
Ang pangalan ko ay Prudencia,
Ang babaeng ginahasa ng aking iniidolo.

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon